EARLIER THAT DAY
"OK, let's go for a bladder break." Sabi ng HR Manager na si Lana na nago-orient kina Shayla at Rafa.
Napagdesisyonan ni Shayla na umalis muna sa room dahil halata naman niya na na nakikipag-flirt si Lana kay Rafa. Hindi rin naman niya masisisi si Lana kung makipag-flirt ito kay Rafa because he is the exact definition of tall, dark, and handsome. Not to mention, single pa!
"Push mo yan, 'te!" Pabulong niyang sambit sa sarili dahil nagpapa-sweet at umaarteng mahinhin itong si Lana kay Rafa, na obvious rin naman na sumasakay sa pangfi-flirt ni Lana.
Alam naman niyang dapat hindi siya maki-alam o maapektuhan dito, pero hindi niya maiwasan hindi mapansin ang pangfiflirt ni Lana, because she reminded her of someone she knows— si Angela. Yung bang pasimple kung lumandi?
Palihim siyang napa-iling sa sarili. Kasi naman kung anu ano ang napupuna niya. She feels guilty when she does that kasi naniniwala siya na bago siya mamintas ng iba, dapat tingnan muna niya ang sarili niyang mga kapintasan at itama ang mga ito.
"Saka nasa Bible din yun eh. Huwag kang mangja-judge ng kapwa mo." Paalala pa niya sa sarili.
Tumayo na lang siya sa kanyang upuan at nag-excuse sa mga ito. Ayaw na niyang panoorin ang mga kasama dahil natutukso lang siyang mangpuna ng kapwa. Nag-excuse siya kay Lana at kay Rafa, tapos lumabas siya ng meeting room at hinanap ang rest room sa floor na iyon.
Nang makita niya ang female rest room sign ay nagmadali siyang pumunta doon at gumamit ng isa sa mga cubicles. Pagkatapos niyang gumamit ng bidet ay hinanap niya ang tissue and wiped herself.
As she did that, she only realized that her underwear was already spoilt kakamadali nila ni Gerard kaninang umaga. She looked for her panty liner from her toiletry kit in her bag, and used it.
She made a mental note to herself na dapat yata sa susunod ay magdadala na siya ng extra underwear, dahil kapag humiling si Gerard ay hindi naman niya ito matanggihan. Ewan ba niya pero she has this feeling na nakakahiyang tumanggi sa asawa. Isa pa, kapag inumpisahan siya ni Gerard, parang naga-awtomatiko rin ang pakirdamdam niya to make love with her husband. Kapag naiisip nga niya iyon ay napapa-iling na lang siya. She couldn't understand why she feels so passionate with her husband. Yung tumutugon siya parati sa lahat ng gawin o sabihin nito. Pero, alam din naman niya ang sagot. Ganuon niya kasi kamahal si Gerard.
Mabuti na lang si Gerard ay hindi naman abusado. Pagdating lang sa pakikipag-make love sa kanya ito abusado... "Actually," she thought. "Hindi naman talaga ganoon ka-abusado. Super spoiled lang!"
Napapatawa siya sa kanyang sariling naisip. "Hay! Namiss ko tuloy 'tong si honey!" Mahina niyang nasambit, nang biglang tumunog ang mobile phone niya.
Kinuha niya ang mobile phone at tiningnan kung sino ang nagtext. Napangiti siya ng mabasa niya na galing iyon sa asawa. Sinabi nitong namimiss na raw siya nito. Agad naman siyang sumagot at kinikilig kilig pa siya habang nagtatatype ng message.
"MISS YOU MORE, HON. SEE YOU NG LUNCH TIME. LOVE YOU SO MUCH!" Sabi niya sa text at pinadala ito. "All caps pa yan para super-super miss you and love you, hon!" Nasambit niya sa sarili na animo'y kausap ang asawa, habang nagsusway sway sa kilig.
Ibabalik na niya dapat ang mobile phone sa bag na nakasabit sa pintuan ng cubicle. Kinuha na niya ang bag, at aalisin na sa pagka-lock ang pintuan, nang may marinig siyang papasok na mga babae.
"Uy, girls! Narinig ninyo na ba ang balita na nandito na raw yung beauty queen na asawa ni Sir GSP?" Narinig niyang sabi ng isa, kaya naman imbis na lumabas ng cubicle ay umatras siya at dahan dahan ulit ini-lock ang pinto.
Inisip pa niya kung sino si GSP na may asawang beauty queen, at napagtanto niya na si Gerard Sia Ponce pala ang tinutukoy ng mga ito. Napangiti siya sa sinabi ng babae at tahimik na umusod sa bandang loob pa ng cubicle para hindi mahalata ng mga ito na may tao sa loob ng isa sa mga cubicles. Alam niyang maling maki-usyoso pero curious siya kung ano nga ba ang tingin ng mga ito tungkol sa kanya, at sa kanyang asawa.
"Oo. Sabi nga ng kachika ko sa 5th floor, maganda daw talaga yung asawa ni Sir GSP, at matalik na kaibigan pala iyon ni M' Rori. Ang name niya ay Shayla. Sabi pa nga ng secretary ni Sir GSP sa kaibigan ko sa 5th floor na may mga pinsan daw yun na mga Brazilian at ang guguwapo daw! Sana pumunta dito sa atin yung mga yun, 'no?" kilig na sabi ng isa.
Kinagat niya ang labi niya para mapigilan ang sarili na matawa.
"Oo nga! Yun mga kamag-anak ni Ma'am Shayla eh mga hunk nga raw talaga!" Sabi pa ng isa na tila kinikilig.
Tinakpan niya ang bibig para pigilan ang sarili na tumawa. Kung tutuusin, mala-hunk nga ang mga pinsan niyang lalaki, pero kung alam lang ng mga babaeng ito kung gaano siya nai-stress sa mga kalokohan ng mga pinsa niya.
Classic example na nga lang ang explanation ni Malik sa mga anak niya tungkol sa paggawa ng baby.
Sira talaga yung si Malik! Napaisip siya.
"Eh mayaman naman yata yung pamilya ni Ma'am Shayla, bakit pa kailangan niya magtrabaho?" tanong naman ng isa.
"Baka nabobore sa bahay nila..." sagot naman ng isa.
Hindi niya sigurado kung ano ang punto ng isa sa mga nag-uusap.
"Hoy! Secret lang natin 'to ha? Ang sabi sa akin ng secretary ni Ma'am Angela Aragon, kaya daw pumasok si Ma'am Shayla dito sa Pizzo Group of Companies ay dahil gusto daw bantayan ni Ma'am Shayla si Sir GSP. Nagseselos daw kasi kay Ma'am Angela." Paliwanag ng isa.
Napalitan ang ngiti niya ng busangot na mukha. Napahiya kasi siya dahil totoo naman ang sinabi ni Angela. Pero kailangan ba talaga ikuwento pa nito sa secretary nito ang naiisip?
"Feelingera talaga yung babaeng yun!" Asar niyang bulong.
"Ganun? Eh bakit naman siya magseselos kung wala namang dapat pagselosan? Unless may nakikita si Ma'am Shayla kay Sir Gerard. Baka nambabae talaga si Sir GSP?"
"Sa guwapo ba naman ni Sir GSP, tiyak naman talagang maraming babaeng magkakagusto dun. At siyempre, kapag palay na ang lumalapit, makakatanggi pa ba si Sir Gerard?"
"Tama ka diyan. Kung ako talaga kay Ma'am Shayla, magbabantay ako sa opisina! Hihihi!" Sabi ng isa. "Kung hindi naman kasi manlalandi yung babae, hindi rin naman matutukso ang lalaki. Baka naman kasi si Ma'am Angela ang nanglalandi kay Sir Gerard?"
"Hinde!Very professional daw si Ma'am Angela, pero dahil nga housewife itong si Ma'am Shayla, siyempre iba ang iniisip. Alam mo na pag natetengga sa bahay, medyo napapraning? At ito pa! Si Ma'am Angela daw ay dating girlfriend nung bagong Sales Director ng Pizzo Group of Companies. Naging magboyfriend sila sa US."
"Wow! Siguro umuwi si Sir Rafa dito sa Pilipinas para habulin si Ma'am Angela. Ang haba ng hair ni Ma'am Angela! Kakakilig!"
"Saan mo naman nakuha ang balitang yan?"
"Sa secretary nga ni Ma'am Angela. Narinig raw kasi niya na nakikipagkwentuhan si Ma'am Angela sa kaibigan nito sa telefon. Magkagalit yata yung dalawa."
"Eh ba't ba kasi dito pa sila sa isang office magta-trabaho? Ang awkward."
"Nauna raw si Sir Rafa na i-hire ng company. Dapat noon pa nga ito papasok dito. Pero si Ma'am Angela yata, nag-apply din dito, at nakapasok. Tapos parang nagkaroon yata ng problema nang magkaalaman na pareho silang magwowork para sa mga Ponce at sa isang building pa magta-trabaho, kaya natagalan pumasok si Sir Rafa. I think parang ayaw ni Ma'am Angela na pumasok si Sir Rafa dito."
"Eh pero pareho silang nandito. So siguro, gusto talaga sila ng Ponce family, para mapapayag na pareho silang magtrabaho dito."
"At isa pa, malaki siguro ang sahod ng mga iyon!"
"Kung mabigyan man sila ng magandang suweldo, siguro deserve naman talaga nila yun kasi may experience na sila."
"Speaking of suweldo and experience, ang suwerte ni Ma'am Shayla ano? Kasi from housewife, Account Executive kaagad ang trabaho niya? Magkano kaya ang salary niya?"
"For sure, malaki din yun..."
"Grabe! Ano naman kaya ang gagawin niya? Marunong ba siya sa Sales? Sayang ang suweldo niya. Kung ibigay na lang yung isasalary niya na bonus sa atin eh di ang saya-saya natin, diba?"
"Samantalang tayo, ang tagal tagal na dito, pakunti kunti lang ang itinataas ng salary natin! Si Ma'am Shayla naman nagseselos lang kaya magta-trabaho. Ang tanong nga lang eh kung magtatrabaho nga. Eh ano naman alam nun sa sales diba kung kakagraduate lang niya, tapos first job niya ito after 5 years from college?"
"Buhay empleyado talaga! Life is so unfair!"
Napakagat labi siya sa narinig. Na-hurt siya sa sinabi ng mga ito.
"Agree ako diyan!" Ani ng isa na lalo niyang ikinalungkot.
"Baka nga hindi lang kumikibo yung Sales Head natin eh, dahil asawa ng may ari si Ma'am Shayla."
"Sa totoo lang, baka nga mas kaya pa natin magbenta ng non-life insurance kesa kay Ma'am Shayla eh... kasi balita ko mahiyain daw iyon. For sure, ganda lang ang puhunan nun at tutulungan lang iyon ni Sir Gerard para magka-sales. Muse... pero wala namang skill sa sales."
"Teka nga, ang dami niyong alam ha! Saan ninyo ba napagkukukuha ang mga info na yan?"
"Eh di dun sa secretary ni Ma'am Angela... saka last week nakakwentuhan namin si Ma'am Angela at yung ibang mga officers dito, nung nag-overtime kami at nagpa-pizza sila."
"Sabi ni Ma'am Lana, okay lang naman daw na wala pang skills si Ma'am Shala dahil nandyan naman si Sir Rafa para saluhin ang kahinaan ni Ma'am Shayla. Naks naman, diba? Si Ma'am Lana, all praises kay Sir Rafa. At saka siyempre, pagtatakpan nila si Ma'am Shayla kasi asawa ba naman ng may-ari eh!"
"Agree din ako sa'yo diyan. Sarap talaga pag asawa ka ng may ari ng kompanya."
"Tara na nga," aya ng isa at nagsilabasan na ang grupo ng mga babae.
Inintay niyang lumabas ang mga babae sa comfort room bago siya lumabas ng cubicle. Nasaktan siya sa mga sinabi ng mga babae. Naghugas siya ng mga kamay sa sink at kumuha ng tissue, habang nakayuko.
Kinokontrol niya kasi na maging emosyonal. Pero sa mga narinig niya, lalong bumaba ang self esteem niya sa pagrealize na may mga ganung usapan tungkol sa kaniya.
Sinita niya ang sarili. "Huwag kang iiyak Shayla! Ayan ka na naman. Para kang bago ng bago. Sa susunod kasi huwag ka nang makiki-usi. Para kang hindi natuto nung si Bianca naman ang nagkakalat ng kung anu-ano tungkol sa'yo noon ah? Dapat talaga, huwag ka na makinig sa usapan ng ibang tao sa rest room!" Pinilit niyang i-compose ang sarili at humarap sa salamin. Huminga siya ng malalim bago lumabas sa rest room na nakayuko. Ayaw niya kasing may makabatian o makapansin sa kanya habang kinokontrol niyang huwag bumaba ang nagbabatang pagpatak ng mga luha niya.
Hindi niya tuloy napansin na may kasalubong siya habang naglalakad patungo ulit sa meeting room.
"Hey, I was looking for you." Si Rafa pala iyon. Hinawakan siya sa magkabilang braso. "Akala ko nag-give up ka na pagkatapos mong ma-info overload." Biro pa nito.
Nakayuko lang siya at sinabing natagalan lang siya sa rest room. Aalis na sana siya sa harapan ni Rafa pero hinawakan siya nito sa may kamay.
"Are you crying?" tanong nito and held her chin up, na ikinagulat niya. Saka rin lang niya napansin na mamasa masa na pala ang pisngi niya dahil tuluyan nang pumatak ang mga ito. "What happened? Nag-away ba kayo ni Ardy?"
Lumayo siya ng bahagya kay Rafa, at yumuko ulit para patagong punasan ang mga luha niya.
"Hinde Sir..." pormal pero paos niyang sambit. Kahit na sinabi ni Rafa na tawagin na lang niya itong Rafa at hindi Sir ay tinatawag pa rin niya ito ng Sir Rafa dahil ayaw niyang maging feeling close dito. Nahihiya kasi siya. First boss kasi niya ito sa buong buhay niya.
"Then what happened? Nag-cr ka lang, lumuluha ka na? May baliw yata sa team ko, a?" Pabiro nitong komento.
"May na-overhear lang ako sa rest room about me." Napilitan na siyang magpaliwanag.
Tinanong ni Rafa kung ano ang na-overhear niya sa rest room. Noong una ay ayaw niyang sabihin, at tumungo na sila sa meeting room. Pero sinabi ni Rafa sa HR Manager na mag-uusap muna silang dalawa kaya lumabas ang HR manager sa kuwarto.
She felt uncomfortable being alone in one room with Rafa because she's always been like that with other men, except for Gerard who is her husband, her cousin-in-law na si Percival, sa Father-in-law, sa Uncle Migoel at mga pinsan niya. Pero dahil sa namimilit itong si Rafa na sabihin niya kung hindi daw ay hanggang mamaya sila doon sa kuwarto ay pumayag na siyang magkuwento kung ano ang narinig niya sa rest room.
"Sana hinarap mo sila! For sure matatameme yung mga yun!" Sabi ni Rafa na magkasalubong ang kilay. "They shouldn't judge the people in my team. Bago pa lang tayo, nahusgahan na kaagad? For sure mga low level employees yung mga narinig mo. At kaya sila naroon sa level na yon at hindi pa rin umaangat ay dahil sa mga ganuong pag-uugali nila!" May galit sa tono ng boses nito. "Dapat talaga lumabas ka eh, para nakita mo kung sino-sino ang mga iyon, at nang mai-fire na!" Umupo si Rafa sa lamesa sa tabi ni Shayla para malapit sila sa isa't isa. Umusod ng kaunti si Shayla na nakaupo pa rin sa swivel chair.
"Ayoko naman mangyari yon... nagbibigay lang naman sila ng opinyon nila. Tama naman sila eh... wala akong experience sa sales tapos Account Executive ako kaagad, diba?" halos bulong niyang sabi at yumuko.
Kinuha ni Rafa ang isang kamay niya na ikinagulat niya. Napatingin siya pataas dahil naka-upo si Rafa sa lamesa. Tumitig sa kanya si Rafa at napangiti. "Mabait ka pala," sabi nito.
Hindi niya sigurado kung magpapasalamat siya sa compliment nito. Alam din niyang namula siya sa pag-hawak nito sa kamay niya.
"Pero you have a tendency rin to be a push over. Alam mo ba yun?" dagdag ni Rafa.
Napakagat labi siya sa sinabi nito dahil may point si Rafa.
"But don't wallow on what they said. Prove them wrong!" Sabi pa nito at kinuha pa ang isang kamay niya upang hawakan. "Kaya ngayong araw na ito, isasalang na kita kaagad sa client appointment."
"Ha! Ngayon na?" nasabi niya na sumimpleng tanggal ng mga kamay niya sa mga kamay ni Rafa na passionate na nagpapaliwanag kung bakit importanteng masubukan na niya ang sumalang na sa field.
"There's a saying that you should strike the iron while it's hot, and the best way to learn is through experience. So, sino na ba ang mga prospective clients mo?" tanong ni Rafa.
"Uhm, well," sabi niya at lumapit sa lamesa para buklatin ang hand out niya kung saan nilista niya ang mga pangalan ng mga kakilala niya na may mga business establishments. "Si Jackielyn kasi and my cousin Malik has a restaurant establishment sa South. I can try to ask them if they want fire insurance, or a package na for their staff na rin... tapos may pineapple farm ang family ni Jackie... I can ask her if she wants insurance for that too... Then, si Tanya and her family has a law firm. Puwede ko rin sila alukan ng non-life insurance. Si Pinkie naman has many contacts ng mga may restaurants at bar. Puwede akong humingi ng prospective clients sa kanya. Tapos... si Rain, may car distribution company sila dito sa Pilipinas, so puwede ako mag-offer sa kanila..." mahina niyang sabi.
"That's perfect! Let's go meet Jackielyn and Malik, then." Aya sa kanya ni Rafa at tumayo na. Kinuha nito ang bag niya.
"Teka, saan tayo pupunta?" napatayo na rin siya sa upuan para sundan si Rafa na hawak ang bag niya.
"We're going to see your friends. Call them now and let's set an appointment this lunch time. This should be easy for you because they are your close friends."
"Ha? Ah eh, teka, tatawagan ko muna sila..." sabi niya na nataranta dahil naglalakad na papuntang elevator si Rafa dala ang bag niya. Nag-panic din siya dahil baka mabigla si Jackie at Malik kung dadating sila doon ni Rafa ng peak hour. Tinawagan niya si Jackie pero hindi niya ito makontak. Pinilit niyang kontakin si Malik, pero ring lang ng ring ang fon nito. Bumukas na ang elevator at sumakay na si Rafa doon dala ang bag niya kaya napasunod siya kay Rafa habang nasa mobile fon at pinipilit makontak ang dalawa.
Nang makarating sila sa B2 ay naroon ang sasakyan ni Rafa na BMW. Binuksan nito ang passenger's seat at sumenyas na ma-upo na siya sa loob. Siya naman ay nagpupumilit pa rin tumawag kay Jackie at Malik. Isinara ni Rafa ang pintuan nang maka-upo na siya sa loob, at pumunta ito sa driver's seat.
Nang palabas na ang sasakyan ni Rafa sa basement ay saktong sinagot naman ni Jackie ang mobile phone.
"Seatbelt pls." Ani Rafa sa kanya habang kausap si Jackie sa fon kaya nagmulti-tasking siya sa pag-seatbelt ng sarili at habang may kausap sa fon.
She fumbled as she buckled herself on the seat. Then, she realized that hindi naman kasi siya ang nagba-buckle ng kanyang seat kungdi si Gerard.
Namiss tuloy niya ang asawa. Hindi kasi niya ito kasama ngayon sa kotse. That's when she fully realized that she is with Rafa, and not with Gerard. Sakto naman na pag-end niya ng tawag kay Jackie ay may incoming call. Si Gerard.
"Naku!" Napakagat labi siya, at nag-alinlangan sagutin ang tawag, pero asawa niya ito at kailangan niya itong sagutin kaya sinagot na niya. "Hello, hon?"