PINIGILAN NIYANG MAPANGITI SA ASAWANG SUMILIP SA PINTUAN. Ngunit nagtaka siya kung bakit hindi ito nagtuloy sa loob ng bathroom, kaya siya na ang lumabas. Hinanap niya kung saan pumunta si Gerard at nakita na nasa may bandang stereo ito at hawak ang pasalubong nito para sa kanya. Kaagad naman niyang nakita ang plastic bag ng organic salad at ang puting buko na bilog na bilog sa supot at may sabaw. She licked her lips and Gerard just meaningfully gazed at her, before he lip-synched with the playing song. "I'm so in love with you...whatever you want to do is all right with me... cause you make me feel so brand new! And I want to spend my life with you. Let me say that since, baby, since we've been together... loving you forever is what I need..." lip sync pa nito. "Aba! Uma-Aldub?" koment

