HINDI PA PALA NAKAKAPWAGWITHDRAW NG PERA SI SHAYLA. Napalunok siya at napatingin kay Gerard na taimtim lang siyang pinapanood, na tila ba parang hinahayaan lang siya nito sa trip niya at susunod na lang ito kung ano ang maibigan niya. Kahit wala pa siyang sinasabi o ginagawa ay pasimpleng naglabas ng wallet si Gerard at kumuha ng P 1,000.00 bill. Iniligay pa ito ng asawa sa bill tab at binigay ito sa waiter, na tila ba alam na nito ang problema niya kung bakit hindi pa siya naglalabas ng pera. Pahiya ako dun, ah? Umiwas siya ng tingn sa asawa at napakagat labi. Nag-cross arms na lang siya at tumingin na lang sa labas ng salamin ng restaurant. Nang ibigay ang change ni Gerard, nag-iwan ito ng 100.00 as tip, at saka tumayo sa harapan niya. "Shall we, Mrs. Ponce?" inilahad ni Gerard ang ka

