Nakuha ni Shayla ang ibig sabihin ni Gerard sa tanong nito, kaya hindi niya tuloy alam kung ano ang isasagot dito lalo pa't naroon si Percival, at naroon din ang magiging boss niyang si Rafa Yuchengco.
Alam niyang seloso si Gerard. Nakita na niya ito noon magselos noong nasa Brazil pa sila. Kaya alam niyang kapag nagsabi siyang determinado siyang magtrabaho ay agad itong magpoprotesta o kokontra, lalo pa't kung makatitig yung magiging boss niya ay parang wala sa bokubolaryo nito ang salitang 'kurap'. Talagang magseselos si Gerard dito kung ganito ito kumilos.
Pero ano naman ang gagawin niya? Isipin pa lang niya kung ano ang kayang gawin ni Angela, kumukulo na ang dugo niya dito at kinakabahan na siya.
Alam naman niyang hindi tamang motivation si Angela para magtrabaho siya sa opisina, pero kung hindi naman niya ito gagawin, baka kung ano pang mangyari sa relasyon nilang mag-asawa.
"Perfect si Shayla sa team ko! I'm very sure we'd be able to convince many businessmen if Shayla would be the one to talk to them!" Masayang sabi ni Rafa Yuchengco na ikinaputol ng pag-iisip niya.
Lumakad ito papunta sa kanya para i-abot ang kamay nito. "Have you had experience in sales, Shayla?" Makikipag-kamay ata ito sa kanya, pero agad na tumayo si Gerard at ito ang nakipag-kamay kay Rafa.
"No!" Napalakas ang pagsabi ni Gerard ng no, at mabilis pang napatayo. Humarang ito sa pagitan nila ni Rafa at ito ang tumanggap ng kamay ni Rafa. "Shayla, my wife, doesn't have experience in sales, Rafa." Anito na hawak na ang kamay ni Rafa.
Napatingin si Rafa sa kamay ni Gerard at napansin din ito ni Percival.
Gerard started to shake Rafa's hand, and slowly said, "Welcome to Ponce Group of Companies."
"Ah..." parang napapaisip si Rafa. "Thanks..." sagot naman nito na napapatingin sa kamay ni Gerard na nakahawak sa kamay nito.
Napatingin din siya sa kamay ng dalawa at parang napansin niyang mahigpit ang pakikipag-kamay ni Gerard kay Rafa.
Napansin rin pala ito ni Percival at lumapit sa dalawang lalaki.
"Rafa and Shayla should better get going, for the orientation." Sabi ni Percival at pasimpleng hinila ang braso ng kanyang asawa.
Napansin naman ni Shayla ang mabilis na pagtalikod ni Rafa na winiwisik ang kamay nito na para bang nasaktan ito sa pakikipagkamay ni Gerard.
"Shall we?" tanong naman ni Percival na bumalik sa tabi ni Rafa at inaya na rin siyang maglakad papalabas ng opisina ni Gerard.
"Wait, Pyke." ani Gerard at saka humawak sa kamay niya.
Napalingon naman si Percival sa direksyon nila, at saka tumango, bago inaya si Rafa na lumabas ng kuwarto.
"Are you sure you want to do this, honey?" tanong ni Gerard sa kanya.
"Yes," mahina niyang sagot. "I guess..."
"Are you sure you want to leave our kids at home?" muling tanong ni Gerard, cupping her face with both hands.
Napahawak tuloy siya sa mga kamay ng asawa. "Honey, kung ayaw mong ituloy ko ito, susunod ako sa'yo..." marahan niyang sabi.
Nakatitig pa rin si Gerard sa kanya at parang may binabasa sa mata niya, bago bumongtong hininga.
"Alright," sambit ni Gerard, and released her. "Ok lang kung mag-work ka..." parang balisang sabi nito.
"Sure ka ba talaga, honey?" marahan niyang tanong na hawak ang mga kamay ni Gerard na ngayon ay nasa balikat na niya.
Tahimik lang si Gerard, at nag-isip, habang siya naman ay naghihintay ng sagot nito.
"Yes," anito na nakakunot ang noo. "I want you to try it out. Pero kapag may ginawang kalokohan yung si Rafa, wag ka na mag-work, and I'm going to make sure he's out of the company!" May galit sa himig nito.
"Init ng ulo kaagad ng honey ko..." nilambing niya ang asawa at ipinilupot ang mga kamay sa bewang nito. "I love you, honey kong mainit ang ulo..." Sabi pa niya. "Ay, teka, alin nga bang head ang hot? Here..." mahina niyang tanong, at tinuro ang noo ni Gerard, bago niya ibinaba ang kamay sa may bandang gitna nila, malapit sa zipper ng asawa. "Or here?"
Pinagmasdan niya ang mukha ni Gerard habang naghihintay ng reaksyon nito. Bahagyang itong namula, at ipinulupot ang mga kamay nito sa bewang niya.
"Akin ka lang diba?" mahina niyang sabi habang nagtitigan pa rin sila ni Gerard.
"Akin ka rin lang." Inulit ni Gerard ang tanong niya pero hindi na bilang tanong, kungdi isang statement.
She nodded her head, and gave him a peck on the lips.
Napangiti na si Gerard.
"Sorry, honey, I acted like a kid." Parang nagko-confess na sabi ni Gerard. "I almost crashed his hand. Kung makatitig kasi yung Rafang yun,e!" Asar nitong sambit.
"Basta, honey, katulad ng sinabi mo sa akin dati, kabisado mo na ako, at kabisado at kilala kita. We've gone through a lot. We've just got to rely on each other. Yun' tipong kahit ano pa ang sabihin ng iba to deceive us, parati natin tatanungin yun' sarili natin na, kung ako ba ikaw, gagawin mo ba ang isang bagay na'to o hinde? Saka we'll constantly talk and listen to each other... remember that, honey kong cute?"
Ngumisi na si Gerard at lumabas ang dimples. Napangiti na rin siya at napakagat labi. Pag ganitong lumalabas kasi ang dimples nito, parang bumabalik sa alaala niya yung panahon na unang nakilala niya ang asawa. Parang kinikilig siya.
Si Gerard naman ay inilapit ang mukha sa kanya ng dahan dahan. Hahalik ito sa kanya. Kaya naman inanticipate na niya ang paglapit nito na napapangiti. Kahit kasi limang taon na silang mag-asawa, pag ganitong moment, kinikilig pa rin siya at parang tumitigil ang puso niya sa pag-t***k. Yung parang pati puso niya iniintay yung halik ng asawa niya.
Pero napatigil si Gerard sa paghalik sa kanya, dahil narinig nilang kumatok ang secretary ni Gerard na si Kate. "Sir, excuse me po. Narito na po ang delivery."
"Sandali lang ha, hon," anito at mabilis na naglakad patungo sa pintuan. Siya naman ay tinungo na ang kanyang bag, at kinuha ang make up kit niya kung nasaan ang sipilyo at toothbrush niya. Magtu-toothbrush sana siya, pero paglingon niya sa direksyon ni Gerard, ay may dala dala na itong bouquet ng bulaklak.
Ibinigay nito ang bulaklak sa kanya. "Thank you, honey! Ang ganda!" Sabi niya at inamoy ang bulaklak, saka nag-tiptoe para abutin ang labi ng asawa at humalik dito.
Pero hindi nakuntento si Gerard. Hinapit nito ang bewang niya and kissed her deep. Dahan dahan, habang nadadala na naman siya sa nakakalasing na halik na iyon ng asawa, ay ipinatong niya ang mga braso sa balikat nito, forgetting where they are.
She felt Ardy pushing her backward near the table, at napa-upo siya doon.
Biglang may kumatok. "Ardy?" si Angela pala ito, at pumasok n sa loob ng opisina ni Gerard na hindi man lang naghintay na sumagot si Gerard.
Napatigil ito sa paghakbang papunta sa lamesa ni Gerard nang makita sila nito.
"Oh! Sorry," sabi ni Angela, at napatingin sa kanya. "I'll just come back later..." anito na parang naghihintay na pigilan ito ni Gerard.
Bumitiw na si Gerard sa kanya, at inalalayan siyang tumayo ng ayos habang hawak niya ang bulaklak, toothbrush at toothpaste.
"It's okay, Angela." Gerard cleared his throat. "How can I help you?" Pormal na tanong nito kay Angela.
"I was just going to invite you, if you're free," paliwanag ni Angela. "I invited our new client to our office for the contract signing. They're in the boardroom now. Tinanong rin kasi nila kung nandito ka daw." Anitoa at tumingin sa kanya from head to toe.
"Okay, I'll follow in a while." Sabi lang ni Gerard, saka bumaling sa kanya, para siguro magpaalam.
"Well, hello, Shayla... Wow, I like your suit! Very fashionable." She sweetly smiled at Shayla, pero sa tingin ni Shayla ay namamlastik lang ito.
At isa pa, kahit siguro sincere man si Angela sa sinabi nito, hindi na rin naman niya ito paniniwalaan dahil naimbyerna na siya sa pagpasok nito sa kuwarto ni Gerard basta basta. Feeling close sa asawa niya! Nagsisimula na naman tuloy siyang magselos.
"Hon, ihahatid na kita." Anito at humawak sa kamay niya upang makipag-holding hands.
"Wow, it's your first day nga pala dito, Shayla, ano?" friendly na tanong ni Angela.
"Yes, Angela." Matipid niyang sagot. Pero sa isip isip niya, kung anu ano na ang gusto niyang sabihin kay Angela. Kaya huwag kang magkakamaling landiin ang asawa ko kung ayaw mong pagulungin kita palabas ng opisina! Kala mo aatrasan kita? Subukan mo lang talaga Angela! Nakuuu talaga! Hindi ako mahilig makipag-away pero pag dating sa pamilya ko, pumapatol ako! Pramis ko yan sa'yo, bruha!
Naputol lang ang pag-iisip niya nang narinig niyang pumasok na si Percival sa kuwarto ni Gerard at parang inaaya na siya.
"Let's go Shayla?" tanong nito. Naroon pa rin pala si Percival at Rafa sa labas ng kuwarto.
"See you later, honey," sabi na lang niya at sinadya talagang halikan si Gerard sa harap ng lahat, kahit pa mahiyain siya. Gusto lang niyang gumawa ng statement kay Angela.
"I'll see you later," hawak pa rin ni Gerard ang kamay niya.
"Teka, ilagay ko lang itong flowers dito sa saka yung gamit ko sa bag." Aniya.
Hinintay siya ni Gerard na ipatong ang flowers sa table, at ilagay sa bag ang toothbrush at toothpaste niya, bago siya muling hinawakan sa kamay ng asawa at hinatid siya sa may pintuan ng kuwarto kung nasaan si Percival.
Sumunod naman siya kay Percival at Rafa paalis ng kuwarto ni Gerard, habang si Gerard ay nasa may tabi ng table ng secretary nitong si Kate. Hindi na ito pumasok sa loob ng kuwarto. Tinawag na lang nito si Angela na nasa loob pa rin ng kuwarto nito.
"Let's go Angela?" narinig pa niyang sabi nito.
Lumingon siya sa likod para tingnan si Gerard at Angela, at nakita niyang nakatingin din si Gerard sa kanya habang naglalakad ito sa iba namang direksyon.
Nagkatinginan sila at kumindat si Gerard sa kanya. Napangiti na siya at saka bumaling sa paglalakad kasam ni Percival at Rafa.
May sumalubong na taga-HR sa kanilang tatlo.
"Hello Sirs and Ma'am. I'll lead Sir Rafa and Ma'am Shayla to the orientation room. This way, Sir and Ma'am." Anito.
"Alright, thanks." Ani Percival sa babaeng taga-HR ng Pizzo Non-Life Insurance.
Bumaling si Percival sa kanya at kay Rafa. "I'll go to my office. I have a meeting in a while." Anito na nagpapaalam.
"Thanks Percival." Sabi ni Rafa.
"Bye Pyke." Sabi naman niya.
Sumunod sila ni Rafa sa elevator at saka sumakay. Pag dating nila sa floor ng Pizzo Non-Life Insurance ay pina-upo na sila ni Rafa sa orientation room, para manood ng video tungkol sa kompanya.
Tahimik lang sila pareho ni Rafa. Parang nagpapakiramdaman. Nang matapos ang video ay si Rafa na ang nag-initiate ng conversation.
"I was briefed that it's your first time to work, Shayla." anito.
"Yes," sagot lang niya na nagsisimula ng nerbyosin at atakihin ng hiya.
"Don't worry," anito na nakangiti. "I'm recommending HR to let you attend an in-house sales seminar, live out Presentation Skills seminar, and PowerPoint Presentation seminar, bago ka sumalang sa field."
"Field?" naulit niya.
"Yes, we are going to sell our insurance to big corporations." Sabi nito. "We don't target retail kasi. It's another group under me. But for you, I'd like you to partner with me in making our company grow thru large scale business sales." Paliwanag nito. "Magka-client calls tayo. I'm very sure na kaya mong mapa-oo ang mga kliyente natin!"
Sa pagsasalita pa lang ni Rafa, narealize niyang mukhang magaling nga ito kaya ito nasa ganitong position ngayon. At sa tingin niya, matutoto siya kay Rafa. Ang galing kasi mag-motivate! Nakaka-enganyo.
Napangiti siya at tumango tango na lang.
Nakatitig sa kanya si Rafa and she felt awkward. "Forgive me for staring, Mrs. Ponce. Ang ganda mo kasi eh. Iba yung glow mo." Anito.
"Glow?" napatawa siya at naramdaman niyang namula siya.
"Oo, glow." Sabi ni Rafa. "Yung parang glow ng isang taong in love."
Napangiti na lang siya kay Rafa. "Ganun ba..."
"Yes. Very positive ang iyong aura, which I believe is really something we need in this kind of work. Kapag positive ka kasi, mas mahihikayat mo ang mga big clients natin, that's why you're perfect for my team." Sabi pa nito.
Sa pagsasalita ni Rafa ay narealize niya na hindi naman siguro ito katulad ng ibang lalaki. Mukhang puwede naman niya itong pagkatiwalaan, at mukhang wala naman dapat ikabahala ang asawa niya. Nakukuha na ni Rafa ang loob niya.