MAAGANG NAGISING SI SHAYLA DAHIL NAGUGUTOM SIYA. Sapo ang kumot sa dibdib upang takpan ang katawan, ay dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at hinanap kung saan napunta ang suot niyang pantulog kagabi. Nang makita niya iyon ay agad niya itong sinuot at tiningnan ang oras sa alam clock. It was only 4:15am. Gusto pa man niyang matulog dahil 2:00am na nang makapagpahinga sila ni Gerard, ay hindi na niya nagawa. Tumungo na lamang siya sa CR upang umihi, pagkatapos ay magsipilyo. Tinali na niya ang kanyang mahabang buhok, at naligo. Inadjust niya sa warm ang temperature ng heater dahil lamigin siya. Matapos maligo, ay nagbihis na siya ng regular niyang t-shirt at shorts na suot, at tumungo na sa kusina. Humanap siya ng maaring makain. Nakita niya sa refrigerator ang left over na mga sandwich.

