Homemaker
"Hush now, quiet now, it's time to lay your sleepy head. Hush now, quiet now, it's time to go to bed. Drifting off to sleep, exciting day behind you. Drifing, off to sleep, let the joy of dream land find you! Hush now, quiet now, it's time to lay your sleepy head. Hush now, quiet now, it's time to go to bed. Hush now, quiet now, close your sleepy eyes. Hush now, quiet now, my, how time sure flies. Hush now, quiet now, lay your sleepy head. Hush now, quiet now, it's time to go to bed..."kanta ni Shayla sa mga anak habang lahat sila ay nasa iisang customized na kama na may rails. Kulay white ang kulay ng kama at ang bed sheet ay kulay White din. Nagkaiba lamang ang mga kulay ng punda ng unan at kanya-kanyang kumot ang mga bata.
Ang punda ng unan at kumot ni Gwenavir ay kulay Purple. Para naman kay Sabrina ay Pink. Si Milena naman ay kulay Yellow. At ang punda ng unan at kumot naman ni Andrew ay Minion design. Ang buong kuwarto ng magkakapatid ay mayroong malaki at mahabang installed na cabinet na naglalaman ng mga laruan ng mga anak. Sa magkabilang gilid ng mahabang cabinet ay may hagdan paakyat sa tuktok nito, kung saan may customized na bahay-bahayan na kastilyo ang disenyo. Sa loob ng kastilyo ay mayroong laruan na kitchen set, refrigerator, at dining set. Meroon din foldable couches.
Nakahiga ang mga anak niya sa kanyang mga braso. Sa magkabilang side sina Andrew at Milena. Sa magkabilang dulo naman sina Gwenavir at Sabrina. Nakatulugan na ng mga ito ang paghele sa kanila ni Shayla, nang marahang pumasok si Gerard sa kuwarto ng mga bata. Kahit mukhang pagod ang asawa, hindi pa rin niya maiwasan ma-appreciate ang kaguwapuhan nito. Kahit yata sako ang ipa-suot dito sa mister niya, guwapo at ang bango bango pa rin tingnan! Nakakakilig na nakakainis! Nakaka-insecure tuloy! At dahil sa pakiramdam niyang yaon, inirapan niya ang asawa.
Si Gerard naman ay binigyan siya ng inosenteng ngiti bago humawak sa headboard at rail ng kama para maabot siya at hinalikan sa labi. Tapos bumaling ito sa mga anak at humalik rin sa mga ito. Dahan dahan at isa isa nitong binuhat at inihiga ang mga anak sa mga assigned nitong puwesto sa malaking kama.
Siya naman ay tumayo sa taas ng kama at inilalayan siya ni Gerard habang dahandahan siyang lumalakad papunta sa paanan ng kama. Ibababa pa lamang niya ang isang paa sa sahig nang bigla siyang kargahin ng bridal style ni Gerard. Bahagya tuloy siyang nagulat.
"Ay! Honey naman! Ang takot ko naman na madaganan ko yun' mga bata!" Mahina niyang reklamo.
"I'll always be there to catch you when you fall, honey. Ako pa!" Kindat ni Gerard.
Siya naman ay napatitig sa mukha ng asawa. Kahit limang taon na sila mag-asawa, kinikilig pa din siya dito. Sa isip niya, habang lumilipas ang panahon ay mas nagiging guwapo ang asawa niya, tapos siya naman ay parang losyang na! Bakit ba parang siya lang yata ang tumatanda sa kanilang dalawa?
Dahil sa tinititigan niya ang asawa ay nahuli siya nito at ngumiti sa kanya. At dahil sa na- conscious siya, sinamaan niya ng tingin si Gerard at saka inirapan. Si Gerard naman ay napatawa sa kanya.
"Sungit ng misis ko, a! Buntis ka ba ha?" Tanong nito at mabilis itong humalik sa pisngi niya, habang karga siya palabas ng kuwarto. Siya naman ang marahang nagsara ng pintuan ng mga bata habang karga siya ni Gerard. Siya rin ang nagbukas ng pintuan ng kuwarto nila.
"Sus, dinadaan mo ko sa ganyan honey! Palibhasa may kasalanan ka! Drawing ka kasi! Hindi mo kami sinipot ng mga anak mo sa movie date natin!" Hindi na niya napigilan humirit dahil nagtatampo nga siya sa asawa, at alam niyang alam iyon ni Gerard. Pero parang sa kanilang mag-iina, siya nga yata ang mas nagtatampo kesa sa mga anak nila. Usapan kasi nilang mag-asawa na sasama si Gerard manood ng Despicable Me 2 with the kids, pero hindi ito nakasipot dahil hindi pa tapos ang meeting nito kanina.
"Sabi mo pa naman if we don't keep our promises to our children, we are teaching them not to trust us. We disappoint them. We make them feel unimportant. We make them disrespect us because we are not showing integrity, and we are not being role models, dahil kung ano ang ginagawa ng matanda, ginagaya ng bata." Aniya.
"Yes, honey." Sumangayon naman si Gerard habang buhat siya. "You're right. Kaya naman tomorrow, I'll try to make it up to them. I already told the office that I'll be on leave tomorrow. Lalabas kami ng mga bata, after ng Moving up nila Bree and Gwen. Tapos, sa gabi kami naman ng nagtatampong honey kong goddess ang magde-date!" Nakangiti pa rin si Gerard, habang marahan siyang ibinababa nito sa tapat ng pintuan.
Kabisado na niya ang ngiting ganoon ni Gerard. Pag nagpapa-cute ito, ibig sabihin ay nakakaisip ito ng kapilyuhan, lalo na kapag may nagawa itong kasalanan, katulad na nga lang ngayong gabi na hindi nito nasipot ang family movie date nila.
Naputol ang pag-iisip niya nang maramdaman niya ang labi ni Gerard na humalik sa kanya. Mukhang inuumpisahan na nga nito maglambing.
"Kumain ka na ba ng dinner?" tanong niya habang sinusubukan dumistansya sa asawa upang makausap niya ito ng maayos.
"Kaw na lang dinner ko!" Mahinang biro nito as he travelled his kisses to her neck. Gusto niyang makaiwas ngunit ikinulong siya sa mga bisig nito.
"Ewan ko sa'yo!" Iniwas niya ang kaniyang ulo mula kay Gerard na balak siyang halikan sa pisngi ngunit humalik naman ito sa kaniyang leeg.
Napatigil si Gerard ng paghabol ng halik sa kanya at narinig niya ang mahinang chuckle nito. Napatigil na rin siya ng pag-iwas at nagtitigan lang silang dalawa.
"I love you..." halos bulong na sinambit ni Gerard habang masuyong nakatitig sa kanya at nakangiti. Napatitig siya sa napaka-charming na mukha ng asawa, sa dimples nito, sa labi, at bumalik sa mga mata nito. Tumatalab na naman sa kanya ang ganoong titig ni Gerard.
"Kainis ka! Alam mo yon?" asar niyang sambit habang umiiwas ng tingin dahil namumula na naman siya.
Marahan siyang hinalikan sa labi ng asawa. Siya naman ay parang na-magnet at tumugon din ng halik.
Wit na! Kumikyemberlu na lang ako ng pag-MRT! Havey na havey kasi 'tong otokong 'to! Kaassszzzar!
Paano kasi kahit asawa na niya si Gerard, pakiramdam niya para siyang may high school crush. Hindi pa rin siya masanay sanay at makapaniwala na asawa na nga niya ang tinatawag niyang guwapong otoko. Nagba-blush at kinikilig pa din siya sa asawa at nakakaramdam pa rin siya ng hiya dito. At naiiinis siya sa kanyang sarili ngayon dahil pinagkakanlulo na naman siya ng pagkagusto niya kay Gerard.
"Sorry na, honey kong goddess..." masuyong bulong nito sa kanya.
Kahit dazed pa siya sa effortless kiss ng asawa sa kanya, bigla siyang napabalik sa reality.
Oo nga pala, masama ang loob ko sa kanya! Hmp! Pero kasi naman 'tong katawang lupa ko, hindi uma-align sa pag-eemote ko!Naisip niya at saglit na napahawak sa mainit niyang pisngi, bago nagsalita.
"Hindi ka naman sa'ken dapat mag-sorry, kungdi sa mga bata. Inintay ka nila eh even after the movie ended." Sabi niya at 'di na nakipagtitigan sa asawa. Bumuntong hininga na lang siya bago kinuha mula kay Gerard ang necktie nito at isinampay niya sa kanyang leeg. She just focused on unbuttoning his shirt, then unbuckled his belt, and unzipped his pants to help him get changed.
She noticed though that Gerard was having a hard on because she saw his bulge as she unzipped his pants. Alam niya that her husband wanted to make love with her. She knew it was his way of reaching out and apologizing. Pero ayaw muna niyang pagbigyan ang asawa because she wanted him to take her feelings seriously kaya kunwari ay hindi niya napansin ang hard on ng asawa.
Paano naman kasi kahit magtampo na siya dito ay nakangiti lang ito sa kanya, at parati nitong sinasabi na naintindihan daw nito ang pinagdadaanan niya. It always seems like he has a happy cloud above him and nothing could make him angry.
Kung sabagay, wala naman itong dahilan para magalit. Una sa lahat, maayos ang negosyo nila. Pangalawa, wala naman silang pinag-aawayan maliban sa maliliit na tampuhan na naayos rin naman nila ng wala pang isang oras. Pangatlo, wala naman mairereklamo si Gerard sa pag-aasikaso niya sa asawa't mga anak. Pang-apat, wala talagang dahilan para ma-stress o magalit ang asawa dahil hindi rin naman siya nagko-complain; at wala rin naman siyang mai-complain. Panglima, kuntento si Gerard sa buhay nito. Sabi pa nga ni Gerard, basta healthy, safe, well provided at kumpleto daw ang pamilya nila, wala na itong hihilingan pa kay Lord kungdi mapalaki na lamang ng maayos ang kanilang mga anak, at kung papalarin pa nga'y gusto pa nito madagdagan ang mga anak nilang dalawa ni Shayla.
While she welcomed the thought of getting pregnant again, and having another baby, there was an inner voice inside her that made her feel sad. Gerard told her she must probably be burned out. He encouraged her to do what she liked to do before when they weren't married yet, but when she thought about it, wala naman siyang maisip na gustong gawin noon maliban sa makatapos ng pag-aaral, makahanap ng trabo, matustusan ang pangangailangan nila ng kaniyang mommy nang sa gayon ay hindi na sila umaasa sa iba, at makalayo sila ng mommy niya mula kay Lucio Santiago. Ngayon na nakawala na sila ng kaniyang ina kay Lucio sa tulong ng kaniyang asawang si Gerard, wala na siyang tanging gusto kungdi ang alagaan ang asawa't mga anak.
Yun' nga lamang, hindi niya maintindihan kung bakit siya nalulungkot. Ang alam niya ay nagsimula ito noong kinausap siya ni Gerard tungkol sa career pathing.
"Career pathing? Kung maka-career pathing ka naman, honey..." inulit niya kay Gerard habang nakahilig sa braso ng asawa. "Bakit ko naman kailangan mag-career pathing, honey?" taka niyang tanong. "Uhm... homemaker po ako, hindi po ako nagwowork." Paalala pa niya sa asawa.
"For your own personal growth. Alam mo yun Maslow's Heirarchy of Needs---" paliwanag ni Gerard.
"Oh my gulay... nagbe-brain bleed na naman yata ako, honey!" Pinutol niya ang sasabihin ng asawa dahil naloloka na naman siya sa mga pinagsasabi nitong mga bagay na hindi naman siya pamilyar. Pamilyar man siya sa Maslow's Heirarchy of Needs, palagay niya kasi ay hindi naman necessary na malaman pa niya iyon dahil ang importante lang naman sa kanya eh maging master chef sa kusina, super wife and mistress all in one sa asawa sa kanilang kama, super masahista, at super nanay sa kanyang mga anak. Natigil siya ng pag-iisip nang maradaman niyang pinupunasan ni Gerard ang butas ng ilong niya. "Honey naman eh!"
"Listen muna kasi sa'ken honey...." natatawang pakiusap ni Gerard habang umaakto itong pipunasan ang imaginary na dugong tumutulo sa ilong niya. Iniwas niya ang mukha kay Gerard at dahil ayaw siyang tantanan nito, ay napilitan na siyang pumayag.
"Oo na, makikinig na!" Aniya.
"Maslow said, 'What a man can be, he must be.' Yun self-actualization is the highest form of need in the hierarchy of needs. It's the desire to accomplish everything that you can, and to be the most that you can be. For example, you may desire to be more than being a homemaker. If it will make you happy, then I will support it."
"Ano bang ibig mong sabihin, honey?" Napaangat siya ng ulo para harapin ang asawa. Pinatong niya ang kalahati ng kanyang katawan kay Gerard. Si Gerard naman ay napatingin sa bare niyang dibdib na nakapatong sa bare chest nito. "Being a homemaker is what I ultimately want--" paliwanag niya pero napansin niya na hindi nakikinig si Gerard sa kanya. Bagkus ay nakatingin pa ito sa dibdib niya, kaya naman hinawakan niya sa magkabilang panga ang asawa. "Honey naman, focus please!"
Napangiti si Gerard sa sinabi ng asawa. "Pero are you sure that's all that you want to be? A homemaker?"
Saglit siyang natahimik at napaisip. Bakit ano bang problema sa pagiging homemaker?
Parang nabasa ni Gerard ang isip niya at nagpaliwanag ito. "Nothing's wrong with being a homemaker, honey! In fact, saludo ako sa'yo for being a homemaker! Mahirap mag-manage ng bahay, budget, mag-alaga ng mga anak----"
"At ng asawa."Dagdag niya.
Napatawa na naman si Gerard. "Okay, pati ng matalino, guwapo, mabait, at mapagmahal na asawang katulad ko---"
"Sus!" Tinirikan niya ng mata ang asawa at bumalik sa higaan. Dahil sa likot nilang dalawa, nahigit tuloy ang kumot pababa exposing her body. Napatakip siya ng katawan dahil nahihiya siya kay Gerard kahit na nakita na naman nito ang mga scratch marks niya.
Pinagmasdan muna siya ni Gerard at ngumiti. "Misis ko talaga, parati na lang akong pinapatakam!" Anito saka hinawakan siya sa kamay para alisin niya sa kanyang katawan.
"Honey naman eh! Nakakaloka ka!" Sabi niya habang mahigpit na hawak ni Gerard ang magkabilang kamay niya para hindi siya makapiglas. Pumaimbabaw pa ito sa kanya at hinalikan siya. Siya naman, as always, ay parang namamagnetize sa asawa at bumibigay na rin.
Matapos siyang masuyong halikan ng asawa, pinagmasdan siya nito ulit, bago marahang nagsalita. "Please don't think that I look down on you, because I don't. I love you so much and I'm so proud of you. It's just that I see so much potential in you; and I don't want you to tell me one day na malungkot ka dahil hindi mo nagawa ang lahat ng puwede mo pang gawin dahil ibinuhos mo ang oras at panahon mo sa pag-aalaga at pagmamahal sa amin ng mga anak mo. Alam ko mahal na mahal mo kami ng mga bata. At mahal na mahal ka rin namin, kaya naman hindi ko gugustuhin na ma-underdevelop ka when I know your potential. Don't you want to have your own business or be a businesswoman? Don't you want to pursue being a veterinarian? Don't you want to be someone famous in what you're good at? Halimbawa na lang sa billards! Baka you might want to compete internationally kasi magaling ka sa billards! Kahit anong gusto mo, susuprotahan kita, honey. I'm your husband and I'll always be here for you no matter what..."
"Ang kulit naman ng asawa ko! Sabi ko naman this is what I want... to serve and love my husband and children." Aniya at sinubukan ulit tanggalin ang mga kamay ni Gerard sa mga wrists niya.
"Sayang kasi honey dahil hindi mo pa nari-reach yung full potential mo. I mean, matalino ka at talented..."
"Bakit mo ba ako pinipilit na magkaroon ng different na career aside from being a homemaker? Ikinahihiya mo ba'ko dahil plain housewife lang ako?"
"No honey! Of course not! Diba sinabi ko naman sa'yo kung puwede nga lang kitang itago dito sa bahay, gagawin ko, wag ka lang masulyapan ng iba dahil magseselos ako, lalo na sa mga taon na lumilipas, mas tumitindi yun' pagmamahal ko para sa'yo."
"Binobola mo na'ko!"Tuluyan na siyang umupo sa kama at hinarap ang nakahigang asawa. "Kita ko sa mukha mo!" Duro pa niya.
"Seryoso ako honey! Higa ka nga dito..." marahan namang hila ni Gerard sa kanya at naghikab.
Sumunod naman siya dito at umakap kay Gerard. Mabilis na nakatulog si Gerard pero siya ay nakamulat pa rin.
Nabother kasi siya sa sinabi ng asawa noon. At hanggang ngayon ay dinadala pa rin niya ang sinabi ng asawa. Nakaramdam kasi siya ng pressure at worry that, perhaps, she's not living up to his expectation na.
She felt paranoid and worried but just kept it to herself.
Naputol ang pag-iisip niya nang maramdaman niyang umakap si Gerard sa kanya.
"What's my honey thinking?" tanong nito na naglalakbay na ang kamay sa love button niya.
"Honey naman eh," reklamo niya habang hinaharot siya ni Gerard. Pinipilit siya nitong humarap at sinisiil siya nito ng halik.
Alam ni Gerard kung paano siya lalambingin kaya naman hindi na rin siya nakatangi. Bumigay na rin siya sa asawa niyang pilyo. While he was making love with her, hindi pa rin niya mapigilan na hindi mag-isip. Kung tutuusin, wala siyang mairereklamo o mapipintas sa asawa. Katulad ng dati, Gerard is her definition of perfectly imperfect Prince Charming, Knight in Shining Armor, at Perfectly Imperfect husband; at ang buhay with Gerard ang kanyang happy ever after. Wala rin siyang mairereklamo kay Gerard bilang ama. Kahit disciplinarian si Gerard sa mga bata, bumabawi naman ito sa pagiging malambing, maalaga, sweet, at masayahing ama. Parati itong gumagawa ng paraan para makipag-bonding sa mga bata at matiyagang nakikipagkuwentuhan. Pinapraktis din nito ang natutunan sa isa sa mga librong binabasa na give 'exclusive time' for each child. Kaya naman kapag nagde-date si Gerard with the kids, minsan ay pa-isa isa. Makikipag-date siya kay Gwenavir at pupunta sila mall dahil mahilig si Gwen sa mall at shoppping. Si Sabrina naman ay parang katulad ni Shayla. Mahilig ito sa pets, kaya naman pumupunta si Gerard at Bree sa zoo, o kung saan man na tungkol sa pets and animals. Si Drew naman ay mahilig sa mga physical activities like karate, taekwando, and anything physical kaya naman sinasamahan ni Gerard si Drew sa mga sports center. Si Milena naman ay mahilig sa tubig. Mahilig ito mag-swimming at mahilig din sa mermaid stories kaya naman dini-date niya ang bunsong babaeng anak sa anything related to under the sea. Dine-date din siya ni Gerard paminsan pero they end up going home early from their dinner date kasi naman ay parating may aberya sa mga bata. Kungdi may nagkakasakit, mayroong nag-aaway. Kungdi naman, may kailangan dalhin sa doctor dahil naumpog, nagka-broken bone, nabungian ng ipin, o kaya naman ay tawag kasi ng tawag ang mga anak sa kanila dahil namimiss na sila.
Sabi ng iba, they should cherish all those moments with their kids because there will come a time that they would be very busy to even give them a kiss or a hug. Kaya naman nakatutok sila ni Gerard sa mga bata.
Gayunpaman, madalas ay sumasagi sa isip niya ang sinabi ni Gerard. Ano nga bang dapat na career ang i-pursue niya? At kailan naman niya ipu-pursue iyon gayong bata pa ang mga anak niya? Kailangan ba talaga niya ng career? Hindi pa ba sapat na career ang pagiging homemaker?