MATAPOS PALIGUAN NI SHAYLA ANG MGA ANAK katulong ang mga yaya ng mga ito, ay siya namang naligo na rin dahil may balak siyang gawin. Gusto niyang bumawi sa asawa. Kanina pa nga niya pinag-iisipan kung paano ba siya babawi dito, dahil nga sabi ng duktor ay hindi naman sila maaring magkaroon ng contact ni Gerard. Ngunit paglabas niya ng bathroom, ay nakita niyang abalang nagbibihis ang asawa. Hinawakan niya ang tuwalyang nakabalot sa katawan at nilapitan ang asawa. Alam niya na nate-turn on ang asawa niya kapag nakatuwalya lamang siya, kaya minarapat niyang sadyain na ma-distract ito sa pinaplano nitong pag-alis ng dis oras ng gabi. Gerard rarely left at this time of the night, let alone, go out without her. And she felt sad about that if this would the first. "Hon," aniya sa asawang kasal

