Gwenneth's POV Umaga na kami ni Klarissa nakatulog dahil sa kakaisip ko sa mga nangyayari sa pagitan ng pamilya ko at pamilya ni Mark. Mamaya na ang lunch namin kasama ang pamilya nila Mark kinausap ako ni Daddy kagabi na sasama ako sa lunch mamaya at hindi ko alam ang dapat maramdaman kasi ngayon ko na lang ulit sila makakaharap. Lalo na si Mark hindi niya alam kung gaano ko siya gustong yakapin ng mahigpit na mahigpit at sabihin sa kaniya na malalagpasan rin namin ito. It's already 10 am at hindi ako mapakali sa susuotin ko mamaya habang si Klarissa mahimbing pa rin na natutulog dito sa kwarto ko. Ayoko naman siya gisingin kasi alam ko na pagod siya sa mga errands na pinagawa ko sa kaniya. Kinakabahan ako na muli ko makikita si ate hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita siya at

