Elisse POV Kakagising ko lang at medyo tinanghali na ako ng gising kaya ngayon pa lang ako magsisimula mag ayos pa ng iba namin gamit. Ngayon rin ang dating ng delivery ko na mga furnitures na binili ko kahapon kasama si Chester. Hanggang sa pag liligpit ko dito sa aparment ko sinamahan ako ni Chester hindi niya ako hinayaan kumilos mag isa. Dahil gusto ko naman siya makapag pahinga ay hindi ko muna siya ginising ngayon. Dito siya natulog sa apartment ko buti na lang may isa pang kwarto dito at may kama na rin kaya komportable ang tulog niya. After namin makakain kagabi ay nag tungo na agad siya kwarto niya kasi inaantok na daw siya kaya hinayaan ko na. Gigisingin ko na lang siguro siya mamaya kapag nakaluto na ako ng lunch. Hindi ko rin alam kung may pupuntahan ba ngayon araw si C

