Gwenneth's POV Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa dalawang buwan na lumipas lumipat na dito sa unit ko si Mark. Araw-araw ko na siya nakakasama at kahit may hindi kami pag kakaunawaan minsan naayos rin agad. Hindi na ako makapag intay na makasama na siya talaga sa unit ko na ito nang legal yung ako na yung asawa niya, yung walang nasasaktan, wala nang kabit yung ko na talaga ang babae sa buhay niya. Isa lang naman ang kaya kong ibigay kay Mark yun ay ang pamilya. Alam ko matagal nang gusto ni Mark na bumuo ng pamilya pero hindi ko magawang ibigay kasi hindi pa ito ang tamang panahon para sa amin. Nararamdaman ko na malapit na dumating ang panahon na ako naman ang tinatawag niyang Misis. At pag nangyari yon gagawin ko lahat para hindi niya ako lokohin katulad ng

