Gwenneth's POV Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang pinili ni Mark. Ilang linggo na ang nakalipas at tinigil na niya ang paghahanap kay ate. Ang sarap sa pakiramdam na araw-araw niya pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Na para bang wala kami nasaktan at nilokong mga tao. Ibinalik ng dati kung paano kami ni Mark noong kami pa at wala pa siyang asawa. Dito na siya nakatira sa akin paminsan-minsan naman ako naman ang napunta sa unit niya. Saturday na ngayon at walang pasok si Mark sa warehouse. Kaya nag decide ako na it's our bonding day today. Yayain ko mamaya si Mark na mag grocery kami kasi namiss ko na lumabas kasama siya. Habang nawawala pa si ate pakiramdam ko ako ang asawa ni Mark. Araw-araw ko iniintay ang annulment paper na galing kay ate. Gusto ko na maging m

