Elisse POV Hindi ko mapigilan mapaiyak ng sobra habang naririnig ang sagutan nila Mark at Gwenneth. Sa loob ng 5 months wala pala talagang anak si Mark ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil alam ko pakiramdam ng mawalan ng anak. Parehas kami nawalan ng anak at ngayon na akala namin lahat na magkakaroon na siya ng anak pawang kasinungalingan lang pala. Pinalayas pa siya nila Mommy sa bahay dahil akala namin totoo talagang siyang buntis. Natauhan ako nang biglang lumabas si Mark kaya tumingin ako kay Chester at tumakbo na kami para mahabol si Mark. Naabutan namin siya na paakyat sa rooftop ng Condo nila hinayaan na namin muna siya ni Chester. Hindi biro ang pinag dadaanan niya dahil sa nalaman namin. "AHHHHHHH!!!" sigaw ni Mark sabay luhod sa rooftop. Hindi ko na naman

