episode 1 .

1081 Words
Xander PoV *bang bang bang* " ahhh.hhh " hiyaw ng mga tao sa loob ng isang kwarto , napuno ng iyakan ang kwarto ito ng makita nilang binaril isa isa ang mga lalaking natalo sa laro . Bakit ? Bakit nangyayari ito. hindi ito ang larong nais ko . Halos manginig na ang buo kong katawan sa sobrang takot. ayaw ko ! ayaw ko pang mamatay. gusto kong tumakbo magtago at lumayo sa lugar na to . ngunit paano ? ang daming bantay . Nakita kong tumakbo ang isang lalaki at nagpumilit na lumabas ng pinto nagsunudan ang iba ang iba ay nanatili sa pwesto nila . Hahakbang na sana ako papunta sa kanila ng barilin nila lahat ng tumakbo sa pinto. Halos mapasigaw ako sa gulat at takot . " lahat ng aalis ay magagaya sa kanila." tinig ng isang babae mula sa nakasabit na telecom sa dingding Napasabunot ako sa aking buhok at pinagsusuntok ko ito , bakit? bakit ako napunta dito ? biglang nag-flashback lahat ng alala ko simula ng itakwil ako ng aking pamilya. . . " anak , May edad na kami ng tatay mo , sana naman ay ayusin mo na ang buhay mo. " pangaral sa akin ni ina " wag kayo mag alala ina maghahanap din ako ng trabaho pero hindi muna ngayon May laban ako . baka bukas nalang " usal ko habang umiinom ng kape ", jusko Xander ilang bukas na ba yan. baka patay na kami ng tatay mo , wala pa din sa ayos ang buhay mo' nak please lumabas ka ng bahay na ito at maghanap ng trabaho hindi yung puro online games nalang nilalaro mo " naiinis na wika ni ina " sege na po lalabas na ako at maghahanap ng trabaho puro kayo daldal nakakairita kayo. " tumayo na ako at pumasok sa kwarto wala talaga akong balak lumabas kaya ni-lock ko yung pinto. Binuksan ko ang computer ko at naglaro na ulit ng online game. Ewan ko ba ! kung bakit ako nagkaganito, hindi naman nagkulang sakin ang magulang ko , mahal nila ako alam ko yun , pero kasi.... hanggang ngayon hindi ko pa din malimutan ang asawa ko. Oo May asawa ako masaya naman kami nung una kaso totoo nga ang sabi nila , Ang pag asawa ay hindi parang kanin lamang na isusubo mo, at kapag mainit ay iluluwa mo. Nanawa siya sa buhay na meron kami , sa buhay na binigay ko. at siguro dahil na din mga bata pa kami ng mga panahon na iyon . Umalis siya kasama ang anak ko. At ngayon heto ako walang patutunguhan ang buhay , walang direksyon. Kung baga humihinga nalang ako pero patay na ang buo kong pagkatao. Masakit nalugmok ako ng sobra at hindi makabangon , nalulong sa bisyo , alak sugal, pati na din sa bawal na gamot. Maski ang magulang ko hindi ako maintindihan. Gusto nila akong bumangon mula sa pagkakalugmok ngunit paano? Sila ang buhay ko ang asawa't anak ko. Mahal ko sila , mahal na mahal, Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko habang iniisip ko ang nakaraan. ang sakit lang na magpasa-hanggang ngayon Hindi pa din ako maka-move-on. Hinanap ko sila ngunit walang bakas ng mag-ina ko ang aking nakita. Wala nang patutunguhan pa ang buhay ko. wala na! " Anak.!" sigaw mula sa labas ng kwarto ko , " Anak , ano ba ! buksan mo to , Parang awa mo na ayusin mo na ang buhay mo ! " sigaw nito hindi ko binuksan ang pintuan , hinayaan ko lang siyang sumigaw. Alam ko naman na para din sakin ang mga sinasabi niya pero wala sa utak ko ang lahat ,ang alam ko lang nasasaktan ako at wala akong balak na mag move on sa mag ina ko. sa halip na ayusin ko ang buhay ko mas lalo ko lang itong ginulo. Kinuha ko ang isang pakete na nakatago sa aking drawer, sunod kung kinuha ang foil at lighter . Ito lang ang totoong nagpapasaya sa akin . Ito lang ang kayang magpalimot sakin pansamanta sa sakit. Nadinig ko pa din na kumakatok ang aking ina . Tumayo ako ,ang sarap sa pakiramdam, para akong lumipad sa alapaap , at kaya kung gawin ang lahat. Binuksan ko ang pinto at nabungaran ko ang aking ina , malakas ako nitong sinampal, ngunit wala akong maramdaman. Tumawa ako na parang demonyo at nanlilisik ang mga matang tumingin dito . Nakita kong natakot ito kaya napaatras ito ng ilang hakbang . " Anak ano bang ginagawa mo sa buhay mo.?" aniya . " Wala kang pakialam , bwesit , masyado kang maingay. Pwede ba magtatrabaho ako kapag gusto ko na pero please lang wag muna ngayon . Hindi ko kailangan ang pangaral nyo ,." sigaw ko dito bago ko sinarado ang pinto . nadinig ko pang umiyak si ina pero wala na akong pakialam. Bumalik ako sa harap ng computer dahil mag uumpisa na ang laban . (Bro, ready ka na sa laro? Malaki ding halaga ang makukuha mo kung sakaling manalo ka .) message sa akin ng kaibigan ko na si Richard *oo nga bro, kailangan kong manalo dahil utang ko pa kay Tonyo itong ipinang pusta ko * sabi ko dito (kaya nga galingan mo. at nang May panghappy happy na ulit tayo.) . Nag-umpisa na ang laro , kinakabahan na ako , " Put* " sigaw ko tinamaan ako ng kalaban kakalahati na agad ang natitira sa buhay ko, Napakalakas , bwesit. Hindi to maaari , hindi ako pwedeng matalo . Pinatibay ko ang aking defense at umataki sa kalaban . Tangna* Naihagis ko ang ashtrey na nasa ibabaw ng aking lamesa. Puta ang 50k ko. bwesit utang pa iyon , tangna talaga malas. Natalo ako ng kalaban hindi ko akalain na ganun ito kalakas akala ko sapat na ang practice na ginawa ko pero hindi pa pala. Napasabunot ako sa aking buhok. Putcha talaga paano ko babayaran ang pera. *ting * mensahe mula sa king Messenger binasa ko yun. ( " tangna bro. bakit ka nagpatalo napanood ko ang laban mo bro . ,paano na yan malaking gulo to kapag hindi mo nabayaran yang utang mo kay Tonyo , kilala mo yun , walang sinasanto yun" ) basa ko sa message niya Binaba ko iyon at itinaob sa lamesa. Hindi to maaari, san ako kukuha ng pera. Sigurado akong hindi ako bibigyan ni ina ng pera . bwesit paano na to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD