HINDI KO NAMALAYAN nang pumasok si Cora sa kuwarto. Narinig ko na lang ang ingay na gawa niya. Nahuli kong nakatingin siya sa akin bago niya ibinaling ang atensiyon sa kama. “Hmm . . . Malayo ang tingin at malalim ang iniisip. Hindi naman siguro ito ang problema,” sabi niya sabay pagpag sa kama. “Halatang gamit na gamit naman ito.” Inirapan ko siya at muli akong tumingin sa labas habang nakatayo sa tabi ng bintana. Sa totoo lang, malapit na akong mapundi kay Diego. Tulad ng dati, hatinggabi na ito nang dumating. Paggising ko kinabukasan, wala na ito sa tabi ko. “Minsan kasi, hindi magandang sinasarili ang problema. Dapat humihingi ka rin ng payo sa mga taong mas nakatatanda sa ’yo,” patuloy na patutsada niya. “Iyong mas may alam sa ’yo.” Nanatili akong tahimik at hinayaan ko lang siyan

