"Good morning, officers. Is everything ready for the Opening Program later?" tanong ni Ave pagkapasok nilang dalawa ni Travis sa Student Council Office.
Nasa gilid ang mga kaniya kaniyang mga table ng officers habang sa gitna ang mahabang lamesa kung saan sila nag me-meeting or gumagawa ng mga projects or reports. May malaki rin silang board sa unahan nito na kasalukuyang nag dodoodle ang secretary.
Welcome To A New School Year!
Yun ang nakalagay dun.
"Yes, Ate Ave. Maaga akong dumating kasama yung brother ko dahil kasali siya sa Dance Troupe at nagre-ready na sila. As well as the Glee Club," sagot ni Fiona sa kaniya.
Tumango si Ave at tumungo sa desk niya. Linagay niya sa sandalan ng upuan niya ang vest ni Travis na nakasunod sa kaniya dala ang breakfast na binili nila sa canteen bago pumunta sa office.
"Kumain ka na ba, Ave?" rinig na tanong ni Ave mula kay Travis.
Actually, hindi siya nag breakfast dahil— she smiled to Travis, "Yep."
Travis looked at her. He's not convinced with what she said kaya tumusok siya ng pancake at sinubo ito kay Ave. She's too soft kaya hindi siya nahirapan ipasok ang pancake sa bibig nito.
"T-travis.. I said kumain na ako," Ave insisted.
"You can't lie to me," bulong ni Travis sa kaniya.
Ave sighed. She knows she can't win against Travis. Magkakilala na sila since kinder but they're not that close, they just know each other well.
Pag may Ave Maurer may kasunod yang Travis Navarro. He's running for the salutatorian of their batch. Tuwing may mga contest or quiz bee ay silang dalawa ni Ave ang magkasama.
They could've been close, right? But you see Ave here is quiet. Palaging kinukulit ni Travis pero hindi talaga ito palasalita. Every time he tried to start a convo ay patay agad sa ikli ng sagot ni Ave.
Habang nagsusulat si Ave ay sinusubuan ito ni Travis ng pancake. Tinignan ni Ave ang buong office at ng makitang kompleto na sila ay tumayo na ito at tinawag ang mga officers.
"Good morning. I just wanted to say, you guys did a great job last week. The Club Hopping Week was successful and this week we just need to finalize it. No need to rush but dapat na matapos ang list so that we can proceed to other things that we needed to do. I know malayo pa ang Interhigh but we need to prepared," sabi ni Ave habang nakatayo sa harap ng mga nakaupong officers.
After magbilin ng reminders at ibang mga gagawin ay lumabas na sila ng office para mag guide sa mga students papunta sa ground pagkatunog ng bell.
The hallways and benches ng Brooklyn High ay napuno ng mga estudyante.
Tinignan ni Ave ang wristwatch niya, "Four... three.... two... one."
The bell rang. Sinundan ito ng boses ni Fiona na pinapapunta ang lahat sa auditorium ng school para sa Opening Program ng school year na ito.
Some asked for directions lalo na yung mga grade seven. Nang wala na siyang makitang estudyante ay nagsimula na siyang mag check sa mga classrooms. She always do.
Kahit gaano disiplinado ang iba ay mayroon pa ring lumalabag. Ofcourse, no school is perfect at that goes to students as well. But Ave us trying to discipline them with the best she can.
Pag dating niya sa sixth floor ay rinig niya ang lakas ng palakpakan at hiyawan mula sa auditorium pero napalingon agad siya sa hallway ng sixth floor ng may narinig.
Ave sighed when she saw the last room's door was closed. Pag bukas niya ng pinto ay sinalubong siya ng mga tawanan ng lalaki na kilalang kilala niya dahil suki sa Guidance Office at Student Council.
Napatigil ito sa pagtawa at dahan dahang nilingon si Ave, "Hehe... Hi, Miss President?"
"What are you doing here? Didn't you hear the bell rang?" Ave asked.
"Ah.. hehe, yun nga. Natatawa ako dahil di ko narinig tapos ako nalang mag-isa dito," halakhak nito bago inakbayan si Ave palabas ng room.
May duda si Ave rito. I mean, sinong hindi? This is Terrence here.
Terrence Conjuanco, ang dakilang pasaway ng batch nila. Walang nagrereklamo sa mga napagtripan nito pero hindi rin naman nahuhuli ng student council pero hindi naman sila bingi na walang naririnig.
Palaging usapan sa school ang mga trip nitong si Terrence. May isang beses na nilagyan niya ng bato lahat ng bag ng isang section. Ang dahilan niya? Wala lang. Trip niya lang.
Ave really can't understand him. Nagsasayang lang siya ng oras para sa mga trip niya imbis mag-aral siya.
Inalis niya ang kamay nito na nakaakbay sa kaniya. Ngumuso naman ito bago guluhin ang buhok niya pero natigilan ito at napatingin sa buhok niya.
"A-ahm.. una na ako, Miss President. Sorry!" sabi nito at tumakbo pababa ng hagdan.
Napailing nalang si Ave at inayos ang buhok niya pero natigilan siya ng medyo malagkit ang buhok niya. Tinignan niya ang kamay niya na hinawak niya sa buhok niya.
Inamoy niya ito at nanglaki ang mata. Pumasok siya sa room at nanglaki ang mata ng makitang lahat ng upuan ay may glue. Kung sino mang uupo ay tiyak lalagkit dahil sa glue.
"Terrence!"