Chapter 6

686 Words
"Ate Ave, una na po ako. Ikaw po?" tanong ni Fiona habang nakatayo dala ang bag at folders niya. "Susunod na ako, Fiona. I'll just read this, ako na rin magla-lock," sabi ko sa kaniya. Tumango si Fiona at nagpaalam na. I was left alone in the Student Council Office. It was near six o'clock but hindi ko pa gusto umuwi. I was reading a report when my phone vibrated. Uncle Denver: Hey, Miss Pres! Di ka pa pala nakauwi? Want me to fetch you? Akala ko nandito ka na sa bahay. Me: Why are you there, Uncle? Something wrong? Uncle Denver: Ouch, Miss President. Ganyan na ba talaga tingin mo sakin? Pay may something wrong lang pumupunta dito? Natawa ako sa reply ni Uncle. Naalala ko si Terrence sa kaniya. They're both goofy and carefree. Nakakagulat man but Terrence has been doing well lately. No pranks and he did not skips classes. Which makes it easy for me. Akala ko ay hindi na ito titino at mahihirapan ako. Napakunot ang noo ko. Why am I thinking about him? Uncle Denver: Text me when you got home. I want you to meet someone. Ingats! Me: Okay, Uncle. Pagkatapos ko mag reply ay sinimulan ko na magligpit. Nag meeting kanina with Miss Sheila kaya marami raming pinagawa samin and I ended up being the last one to leave. I still needed to check their reports before handing it to Miss Sheila tomorrow. I was locking the door nang may narinig akong kalabog sa kaliwang bahagi ng hallway. Nakita kong natumba ang trashcan kaya pumunta ako dun para itayo ito. "Miss President!" "AHH!" I screamed when someone shouted from behind making me lose balance pero may sumalo sakin kaya di ako tuluyan naupo sa sahig. I was catching my breath, wide eyes ng marinig kong tumawa yung sumalo sakin. Tinayo niya ako ng maayos at hindi binitawan dahil natutumba ako. Madali ako magulat for Pete's sake! Pagkatingin ko sa sumalo sakin ay kumunot ang noo ko. "Terrence? What are you still doing here?" Pero imbis na sagutin ako ay tinawanan lang ako nito, "Magugulatin ka pala, President?" "If you think it's funny, it's not. Umuwi ka na," sabi ko at inayos ang basurahan. "Wala akong ginawang kalokohan ah," sabi niya sakin at tinulungan akong itayo ang malaking basurahan na to. "Defensive much? Wala akong sinabing may ginagawa ka," sabi ko at naglakad na. Naramdaman kong tumakbo ito at sumabay sakin maglakad. "Natulog ako sa library," sabi niya. Hindi ako sumagot at mas binilisan ang paglalakad. Daldal pa rin siya ng daldal tungkol sa pagtulog niya sa library at parang di man lang napansin na binibilisan ko ang paglalakad dahil binibilisan rin niya. Pag dating sa labas ay halos puno na lahat ng bus. Labasan na rin ng ibang paaralan at mga nagtatrabaho plus traffic. "President? San ka sakay?" rinig kong tanong ni Terrence. He's still here? "I'll just wait for a bus..." "Magba-bus ka? Puno na mga bus ngayon, President. Saan ba sa inyo?" sabi niya habang linalagay ang bag niya sa harap niya. "Benedicto." "Saktong sakto madadaanan ko yun. Sabay ka nalang sakin, President!" nakangiting sabi niya. Kumunot ang noo ko, "You have a car?" Tumango ito, "Nasa bahay." "Huh?" "Mahirap na sumakay sa bus ngayon, Pres. Jeep nalang tayo," ngisi niya. Agad akong umiling. I have never ride a jeep in my life, only bus. Compared to a jeep mas comfortable at mas safe sa bus... I guess. If magpapasundo naman ako kay Uncle Denver, it would be a bother. Nasa bahay na siya, probably tired from work. "Ahm.. no, thanks. Maghintay nalang ako ng bus." "Kulit," bulong niya na di ko marinig. "Puno na po ang mga bus ngayon kaya mag jeep nalang tayo." "Hindi. Okay lang. Mauna ka na, maghihintay nalang ako," sabi ko at tumingin sa mga bus. I heard him chuckle, "Wag mo sabihin na di ka pa nakakasakay ng jeep?" Curse him! Tinatanong niya pa talaga? Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami, "Delikado na. Malapit na dumilim kaya dapat nakauwi ka na. Ako bahala sayo, Pres."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD