PRESENT... Allison's POV: Huminga muna ako ng malalim dahil alam ko na ilang sandali nalang ay tutulo na naman ang mga luha ko. Sa twing pumupunta ako dito ay lagi nalang akong naiiyak. Huminga ulit ako ng malalim at bumaba na sa sasakyan ko. Habang papalapit ako sa lugar na yun ay sya namang pagbigat ng mga hakbang ko. Parang ayaw lumapit ng mga paa ko sa lugar na 'yon. Nang makalapit na ako ay tuluyan ng nagsibagsakan ang mga luha ko. Nilagay ko sa gilid nya ang dala kong mga bulaklak na paborito niya. Umupo ako sa damuhan at hinaplos ang lapida nya at napangiti ng mapait. Sa ginagawa ko para ko na ring hinahaplos ang maamo mong mukha. Charles Yu Kumusta ka na bestfriend? Napatawa naman ako ng mapakla. Huminga naman ako ng malalim para pigilan ang mga luhang gustong kumawala ulit s

