Allison's POV: Nang nalaman ko kung sino ang naghahanap sa akin ay napagdesisyonan ko na na puntahan nalang sya. Sumakay na ako sa sasakyan ko at nag-drive papuntang company ko. Kung hindi ko lang kilala ang naghahanap sa akin, hindi ko talaga yun pupuntahan. Ipinark ko na ang kotse ko sa parking lot at bumaba na. Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 46th floor. Napatingin naman ako sa relo ko at malapit ng mag-four. Malapit na ang out ng mga employee. Tumunog ang elevator, sign na nakarating na ako sa floor kung saan nandoon ang opisina ko. " Good afternoon Miss Santillan. " Ngumiti at tumango naman ako bilang pagbalik bati sa kanila. Marami ang bumati sa akin at pinagpatuloy ang trabaho nila. Lumapit na ako sa table ng Secretary ko. " Where is he? " " Nasa loob po Miss. " Ag

