Sino naman ang matandang ito at paano ito nakapasok dito? Naguguluhan na ako sa nangyayari sa pamamahay na ito. Sandali lang akong nawala at ito na ang bumungad sa akin. " Buti at umuwi ka na... Apo. " Gusto kong magulat sa itinawag nya sa akin pero nanaig sa akin ang inis. Anong karapatan nyang tawagin akong apo? Hindi ko naman sya kaano-ano. Inirapan ko lang sya at tiningnan ang kapatid ko na walang imik. Binigyan nya lang ako ng makahulugang tingin. Tumingin nalang ulit ako sa matanda, tansya ko ay nasa 80's na sya. " Ako si Xian Ching. " Pakilala nya sa sarili nya. Ching? Posible kayang... " Ako ang papa ng mommy nyo. " Mas nainis ako ng marinig ko ang sinabi nya. " Simula ngayon ay ako na ang magiging legal guardian nyong dalawa. " Legal guardian namin ni Lelouch? Ano kami? B

