Nakatingin ako sa magandang tanawin habang dinadama ang ihip ng hangin. Sana matangay ng hangin ang lahat ng problema ko. Kung ganun lang sana kadali, eh di sana wala ng tao ngayon na namomoblema. Napatingin naman ako sa likod ko ng may naglagay ng jacket sa balikat ko. Nginitian ko naman sya. " Salamat. " Ngumiti lang sya at tumabi sa akin malapit sa railings. " Hindi ka pa ba uuwi? " Tanong nya sa akin pero hindi ako sumagot sa halip ay pumikit ako. Ayoko pa munang umuwi dahil mababaliw na ako sa itinuturing kong bahay. Kung dati ay para yung palasyo para sa akin dahil sa pamilya ko na buhay pa noon. Naging walang buhay naman ang masyon na 'yon ng nawala sila. Pero ngayon ay marami ng nangyari. Para na 'yong impyerno ngayon dahil sa satanas na nakapasok sa pamamahay namin. Marami

