Blake's POV: "Oh ayon naman pala eh. Pumayag na dre kaya wag ka ng pakipot haha..." sinamaan ko naman sya ng tingin kaya tumigil sya sa kakatawa at nag-peace sign. Napabuntong hininga naman ako. Paano ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na puro kalokohan ang laman ng mga utak. Tumanda nga ang edad pero hindi ang ugali. "Okay lang." Napatingin naman ako kay Allison. "Yun ang dare mo eh." "Okay lang sayo?" Tumango naman sya. Hinawakan ko ang magkabila nyang mukha, alam kong nagulat sya sa ginawa ko dahil naramdaman ko na napasinghap sya. Habang hawak ko ang mukha nya ay unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Pumikit ako at hinalikan sya sa... Noo... Nang inilayo ko na ang mukha ko sa mukha nya ay kita kong lumaki ang mata nya sa gulat at hindi nga ako nagkakamali kanina sa nakit

