Chapter 5

1608 Words
Blake's POV: It's been week na nong nakita ko ulit ang babaeng mahal ko at ngayon naiinip at naiinis na ako dahil hanggang ngayon ay wala parin akong nakukuhang magandang balita galing sa P.I ko. Sinabi ko sa kanya na sa resort nina Troy kung saan ko nakita si Allison. Ano bang ginagawa ng lalaking 'yun? Minsan naiisip ko na nagsasayang lang ako ng pera sa kanya dahil limang taon ko ng pinapahanap sa kanya ang asawa ko pero wala parin. Hindi nyo maialis sa akin na mainis lalo na't nandito na pala sya sa Pilipinas. Ang tanga ko lang dahil hindi ko agad nakuha ang number nya ng magkita kami doon sa bar. Nakaharap ako ngayon sa computer ko at nagbabasa ng mga emails ko ng may kumatok sa pinto ko. Ako na din kasi ang namamahala sa business ng daddy ko. Bumukas ito at dumungaw si Niccole, ang secretary ko. "Sir nandito po ang private investigator nyo." Bigla naman akong nabuhayan ng loob sa sinabi nya. Sana may maganda syang ibabalita. Sana this time nahanap na nya... "Let him in." Pumasok naman ang P.I ko na may ngiti sa mga labi nya. Sana magandang balita ang hatid ng ngiti nyang yan. Sana makita ko na ulit sya. "Nahanap ko na po sya sir." Tuluyan na akong nabuhayan ng loob sa sinabi nya. Binigay naman nya sa akin ang isang piraso ng papel na naglalamam ng adress kung saan nakatira si Allison. Binigyan ko naman sya ng pera, bayad sa trabaho nya at dahil natuwa ako ay dinoble ko na. Inayos ko agad ang mga gamit ko at pina-cancel lahat ng appoinment ko. May sinabi pa ang Sec ko pero hindi ko na ito pinakinggan dahil nagmamadali akong puntahan ang tinitirhan ni Allison. Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko ng makasakay ako. Para na tuloy akong baliw dito dahil hindi mawala-wala sa mukha ko ang saya at ngiti dahil sa wakas makikita ko na ulit sya. Nagtaka ako sa daan na dinadaanan ko dahil mapupuno ito, hindi naman masyado. Wala akong bahay na nakikita sa nadadaanan ko. Kahit nagtataka ay patuloy parin ako sa pagda-drive. Napatingin naman ako sa papel na bigay sa akin ng P.I ko. Ito na ba 'yun? Ang bahay kung saan nakatira si Allison? Napatingin ulit ako sa mataas, malawak at magarbong gate na nasa harap ko ngayon. Bakit ang laki naman ata? Naalala ko tuloy na may-ari sila ng isang hospital at noong hinatid ko sya sa pivate jet nila papunta ng Japan. Malaki din ang private lot nila doon at maraming nakabantay na mga armadong lalaki. Kaya siguro ganito kalaki dahil sa seguridad na meron sila. Hindi ko tuloy maisip kung gaano kayaman sina Allison. Lumapit naman ako sa gate. Sobra naman ata ang siguredad dito, wala akong nakikitang nagbabantay dito sa labas. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. "Tao po. Tao po." Napatingin naman ako sa gilid ng gate ng may bumukas na maliit na bintana. Hindi mo mapapansin ito dahil para lang syang parte ng gate. Lumapit naman ako doon ng may lalaking dumungaw. "Bakit?" "Dito po ba nakatira si Allison Santillan?" Dito nga sya nakatira. "Oo. Bakit?" "Ahh... Nandyan po ba sya?" " Wala. Umalis si boss at mamayang gabi pa sya uuwi." Nalungkot naman ako sa sinabi nya."Bakit? Kaano-ano mo ba sya?" "Ahh...Kaibigan po. Sige po, babalik nalang ako sa susunod." Paalam ko sa kanya. Hindi ko sinabing 'asawa' ko sya dahil baka hindi sya maniwala. Dahil wala namang nakakaalam na nakatira sa bahay nila na mag-asawa kami, tanging 'yung kapatid nya lang at ang tatlong lalaki na pamilya na din nya ang tanging nakakaalam na kasal na kami. At isa pa, ito ang unang beses kong punta dito sa bahay nila. Para naman akong binagsakan ng langit at lupa ng sumakay ako sa kotse ko. Excited pa naman ako kanina ng malaman ko kung saan sya nakatira dahil makikita ko na sya pero wala din pala. Napahampas naman ako sa manibela. Shit! I fcking miss you so much MyQueen. Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng mag-ring ang phone ko and Troy was calling. Kinuha ko ito at sinagot. "Hello." "Anong hello? Asan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay sayo dito sa shop." Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi nya. "Bakit?" "Anak ng... Anong bakit? Nakalimutan mo na ba na ngayon natin paplanuhin ang birthday ni Tyler next week." Nasapo ko naman ang noo ko. Paano ko nakalimutan? Sa sobrang pag-iisip ko kay Allison ay nakalimutan ko na may pinag-usapan pala kami ngayon. Yun siguro ang sinasabi ng secretary ko kanina pero dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na ito inintindi. "Oh ano na?" Naiinip na tanong ni Troy. Hays! Paano ko ba nakalimutan 'yun? Nangako pa naman ako kay Tyler. "Papunta na ako." "Oh sige. Bilisan mo at hinihintay ka ng inaanak mo." Pinatay ko na ang tawag at binuhay ang makina ng sasakyan. Tumingin ulit ako sa gate ng tinitirhan nina Allison. Babalik nalang ako bukas. Sana naman bukas maabutan kita. Pinaandar ko na ang sasakyan at papunta na ako ng shop. Pagkadating ko doon ay ako nalang talaga ang kulang. Ako nalang palagi. Nagsimula na kaming mag-plano. Lahat kami ay may kanya-kanyang partisepasyon. Ang nagustuhang tema ni Tyler ay pang-Royal party, kaya magco-costume kami bilang mga royal. Nagsama-sama kaming nag-plano para sa birthday nya next week dahil 'yun ang gusto nya. Ang kompleto ang mga tito at tita nya. Wala din naman kaming tutol sa gusto nya dahil mahal namin sya. Simula kasi ng dumating sa buhay namin magkakaibigan si Tyler ay naging mas masaya at makulay ang mga buhay namin. "Tito Fire, excited na ako next week." Masaya nyang ani habang nakatingin sa invitation card nya na kakukuha lang namin. He prefer call me tito Fire than tito Blake, mas astig daw kasi pakinggan. Well sa lahat ng tito at tita nya mas close sya sa akin. Siguro dahil sa kanya ko binubuhos ang mga libre kong oras. Kapag kasi wala akong trabaho ay nakikipaglaro ako sa kanya o nakikipag-bonding. "Really?" Nakangiti naman syang tumango. "I'm sure magiging masaya ang party mo." Nandito kami ngayon sa mall. Dito na kami kakain dahil katatapos lang namin ayusin ang lahat-lahat ng kailangan para sa party ni Tyler para next week. Madali lang namin natapos ang mga kailangan namin dahil nagtulong-tulongan din kami. Nasa likod kaming dalawa ni Tyler habang nasa harapan naman namin ang mga kasama namin habang naghahanap kung saan nila gustong kumain. Hindi naman din kasi mapili si Tyler kung saan kami kakain. Masaya naman akong tinitignan si Tyler na masayang tinitingnan isa-isa ang invitation card na hawak nya. Bakas na bakas talaga sa mukha nya ang saya at masaya akong nakikita syang masaya. Napahinto naman kami sa paglalakad ni Tyler ng huminto ang mga kasama namin sa paglalalad. "Mom, where are we going to eat?" Tanong ni Tyler sa mommy nya. Napatingin naman ako sa kanila ng hindi ito sinagot ni Fayre ang tanong ni Tyler. Lahat sila ay nakatingin sa iisang direkyon lang. Napatingin na din ako sa tinitignan nila dahil sa curiousity ko. Ganun nalang kasaya ang naramdaman ko sa puso ko ng makita ko ang tinitingnan nila. MyQueen... Nakatayo sya sa may bench habang may kausap sa phone nya. Gusto ko syang lapitan. Gusto ko syang makausap. Gusto ko syang yakapin. Gusto ko syang halikan. Ganun ako kasabik sa kanya. Ganun ako kasabik sa presensya nya. "Allison." Napatingin naman sya sa gawi namin. Ngumiti naman sya at kumaway. Tinapos nya muna ang tawag nya bago lumapit sa amin ng nakangiti. "Hi, guys." Bati nya sa lahat at nakipagbeso-beso sa kanila pero pagdating sa akin ay ngumiti lang sya. Wala man lang akong halik? Kahit sa pisngi lang. Napasimangot naman ako pero agad na ngumiti ng ngumiti sya sa akin. "What a coincidence." Natatawa nyang ani. "Oo nga eh. The last time na nagkita tayo we didn't even get your number." Sabi ni Cresent. "Yeah. Sorry about that. Bigla kasing nagka-emergency." "That's okay. So ngayon pwede na makuha ang number mo best?" Natatawang sabi ni Faith. "Yeah, yeah. Here." Binigay naman nya ang number nya sa kanila. Mamaya ko nalang kukunin ang number nya. Napatingin naman ako kay Tyler na hinila ang manggas ng kanyang ina. Napayuko naman si Fayre para tingnan si Tyler. "Who is she mom?" Inosenteng tanong nya kay Fayre. "Tyler, meet your tita Allison." Natatawa naman kaming tiningnan si Tyler na tulalang nakatingin kay Allison habang namumula. "Bessy, this is Tyler Ace our son." Yumuko naman si Allison para mapantayan si Tyler. "Hey there young man." Bati ni Allison sa kanya. "You're beautiful." "Ha?" Nagtaka naman si Allison sa sinabi ni Tyler. Bigla namang natauhan si Tyler at nagtago sa likod ni Troy dahil nahiya. Tumayo naman ng maayos si Allison at tiningnan si Troy habang nakataas ang kilay. "Wow, whats with that stare Ally?" Natatawang tanong ni Troy. "Anak mo nga sya." Iiling-iling na sabi ni Allison. Natawa naman kami sa sinabi nya dahil tama nga sya. Manang-mana talaga si Tyler sa kanyang daddy. Sang-ayun din naman kasi ako sa sinabi ni Tyler na maganda si Allison. Dahil maganda naman talaga sya. Mas gumanda pa. "Haha oo naman no. Saan pa ba magmamana? Eh di sa gwapo nyang daddy." Proud na sabi ni Troy. "Sya nga pala Ally, next week birthday ni Tyler. Pwede ka bang pumunta? Matagal-tagal din kasi tayong hindi nagkita. You know... Get together again." Tumingin naman sa akin si Troy sa huli nyang sinabi. Napatingin naman ako kay Allison habang naghihintay ng sagot nya. Sana pumayag ka. Napangiti naman ako ng ngumiti sya. "Of course. I will cancel my appointment next week." "Yay! Good." Masayang sabi ni Fayre at saka bumaling kay Tyler. "Ace, why don't you give tita Allison an invitation card." Tumango naman si Tyler at nahihiyang lumapit kay Allison habang inaabot ang invitation card. "Here tita." Inabot naman nya ito. "Thanks young man." "Welcome po." Napangiti naman ako ng tinap ni Allison ang buhok ni Tyler kaya lalong namula si Tyler. Napalingon naman kami ng may sumigaw... "MOMMY!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD