THUNDER NATIGILAN ako sa paglalakad sa gitna ng malakas na ulan nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Gail dahil sa isang napakaliwanag na kidlat at sunod-sunod na kulog. Nilingon ko ang kubo—hindi pa ako gaano nakakalayo sa tangka kong pag-iwan muna rito para pumunta sa rancho at nang makahingi ng tulong. Nakita ko ang sarili kong patakbong bumalik sa kubo. Hindi ko pweding iwan si Gail mag-isa d'on. Kahit sabihin pang sandali lang akong mawawala para humingi ng tulong sa rancho hindi pa rin ako mapakali sa naging kwento sa akin ni Gail kanina. Alam kong labag sa loob nito ang maiwan d'ong mag-isa. Mula sa bintana nasilip ko ang dalaga—nakayakap pa rin ito sa sariling tuhod nito at sa ayos ni Gail umiiyak ito. "G-Gail—" Patakbo akong pumasok sa loob at mabilis kong niyakap it

