MULI kaming nagbalik ni Thunder sa table namin na para sa aming dalawa. Nagbibiruan pa nga kami, hindi ko na talaga maitatago sa aking sarili kung gaano kagaan ang loob ko sa kaniya--- pansamantala nakakalimutan ko ang orihinal kong plano. Pwera na lamang kapag naalala ko na si Lolo Matencio, bumabalik din ang lahat. "Masarap 'tong pasta, just try," alok ni Thunder sa akin ng pagkain na kinuha niya para sa kaniya. "Hindi kasi ko mahilig sa pasta. But I'll try yours, okay lang ba? O, kukuha na lang ako ng para sa akin?" ani ko sa kaniya. "No! Just try mine at kukuha na lang ako if you want more pa," tugon naman nito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, mukhang magkakasundo pa yata kami pagdating sa pagkain--- maliban lamang sa pagkain na hindi ko trip talaga. More on ako sa macaroni, pero

