SUTUKIL THUNDER Ang nakangiting si Lolo ang nag-aabang sa akin sa may malaking pintuan ng mansion, katabi niya si Sylvia. Agad akong bumaba sa sasakyan at hindi na inilabas pa ang regalo ni Gail na binili ko kanina. "Lolo, Syl," agad kong bati sa kanila. Nagmano ako kay Lolo at saka tinignan si Sylvia na nakatingin na pala sa akin. "Kumusta?" I asked my childhood friend. "Ok lang," kibit ng balikat niyang sagot. "Tayo na sa kusina at nagpahanda na ako ng mesa kanina pa," sambit ni Lolo kaya inalalayan ko na siya papasok ng mansion. I didn't expect Sylvia to be joining us. Hindi sa ayaw ko siyang makasama sa dinner pero dahil sa kadahilanang magke-kwento ako kay Lolo about kay Gail at hindi naman itinago ni Sylvia ang pagkadisgusto niya dito. I sighed pero nandito na siya, so be i

