CHISMISAN GAIL Due to the typhoon minabuti naming magdagdag ng relief goods at maghanda ng mga damit na ipamimigay din sa mga katutubo. Mabuti na lang hindi super tyhoon ang dumaan sa bansa but still madami ang pinsala sa mga katutubo kasi hindi naman gawa sa semento ang mga bahay nila. They were evacuated at sa ngayon ay nasa gymnasium daw sila naka-silong. Kaya instead na sa gymnasium kami mag-conduct ng medical mission ay sa elementary school grounds kami ilalagay ng local government. They said they will put up tents for us at very thankful ako roon. "Gail!" sabi ni Thunder, bahagya pa niyang iwinagayway ang kamay niya sa harapan ko. "You are in deep thoughts again. " he said. Niyaya niya akong magkape sa isang sikat na kapehan sa syudad. I gladly accepted it kasi I needed shots

