EMERGENCY GAIL "Oo nga," tumatawang sambit ko kay Thunder. Ang kulit eh, hindi pa rin siya makapaniwala na nasarapan ako sa mga niluto niya, bandang alas-dyes na ng gabi at tanging ang pag-inom na lang ng tsa-a ang ginagawa namin. Don Ignacio told us to drink tea kasi ang dami naman daw iyong regalo ko sa kanya. Infact when he opened his gift ay tuwang-tuwa ito at agad na nag-utos na maghanda ng mainit na tubig si Melba. Mabilisan siyang uminom ng tsa-a niya at saka nagpaalam at pagod na raw siya at gusto niya nang magpahinga. "Ayoko na Thun, hindi ko na kaya ang pangatlo," turan ko kay Thunder. Kasi nilalagyan na naman niya ng tubig iyong china ceramic cup na siyang gamit ko sa pag-inom. "Last?" he said pero tinanggihan ko na sa pamamagitan ng paglayo ng baso ko sa kanya. "I have

