THE PARTY

2009 Words
GAIL "KANINA pa ako nahihilo sa 'yo, Gail. Bakit ba ayaw mo mapirmi? Okay ka lang ba talaga?" ani sa akin ni Pearl--- ang isa sa mga naging kaibigan ko rito sa Cebu. Umupo ako. Gusto kong ibahagi sa kaniya ang balak ko ngayon kay Thunder--- pero nandoon ang kaba na baka hindi lang ako maintindihan nito. Kailangan ko munang itago ang lahat mula sa mga taong posibleng madamay sa mga plano ko. "Para kang manok na gusto maglimlim sa itlog niya," natatawa nitong sambit sa akin. Talagang sa manok pa ako inahalintulad ng kaibigan kong 'to. Kanina pa kasi ako papunta-paroon kaya siguro napansin nitong hindi man lang ako mapakali. "Umamin ka nga sa akin, Gail! Nag-dro-droga ka ba?" nagulat ako sa tanong nito sa akin. Hindi ko inaasahan 'yon, ngunit alam ko naman na biro lang ito sa akin ni Pearl. Napailing-iling na lamang ako sa kaniya. "Ang dami mong alam." Tumayo ako at muling tinungo ang tokador sa silid ko, kung saan nandoon nakalagay ang lahat ng mga damit ko na pwedi kong gamitin sa party mamayang gabi sa mansyon nina Thunder. "Teka lang! Teka lang. Wala ka naman sinasabi sa aking lakad mo ngayon. Ano ang ibig sabihin nyan? Party?" Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung paano ba sasabihin dito ang tungkol kay Thunder. Kilala ko si Pearl--- hindi ito basta-basta naniniwala kung sasabihin ko lang na nakilala ko lang si Thunder sa kung saan. Kilala niya rin ako na hindi basta-basta nagtitiwala kahit na kanino. "Date ba 'yan? Naglilihim ka na talaga sa akin, Girl. Hindi man lang ako makapaniwala ngayon at ang buong akala ko walang secrets." "Hindi. It's a casual party lang naman. Naimbitahan lang ako ng isang kaibigan." "Kaibigan? Sino'ng kaibigan? Kilala ko ang circle of friends mo. Sino sa kanila?" Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi talaga ako titigilan nito hangga't hindi ko masabi sa kaniya ang totoong lakad ko. "Okay. Sigi. Para manahimik ka na. I accept the invitation of a new friend. Actually. Nakilala ko lang siya kanina. Tinulungan niya kasi ako sa flat tire ko and then he invited me to attend and his lolo's birthday tonight." Namilog ang mga mata nitong may panunudyo ng tingnan ako. "Date nga? Makikipag-date ka na talaga, Friend? Good to hear that. At least pagkatapos ng break up mo sa gagong Antonio na 'yon sinusubukan mo na ulit 'diba?" anito. Hindi ko inaasahang reaksyon yon ni Pearl sa akin. Of all people--- si Antonio pa talaga ang naalala nito. Napailing-iling na lamang ako. Paano ko nga ba makakalimutan ang lalaking 'yon kung nandito ang kaibigan kong 'to para ipapaalala sa akin ang lahat ng 'yon. "So. Saan ang tingin mong bagay sa akin? Ito ba o ito?" tanong ko sa kaniya. Nilapat ko sa katawan ko ang dalawang formal dress na balak kong suutin sa party aa bahay nina Thunder; isang pula at itim ang napili kong ilabas mula sa pinagpilian ko kanina--- parehong velvet ang desinyo nitong hawak ko. Balak ko na lamang kasi itong ternuhan ng isa sa mga louie vitton sandal ko na binili ko sa U.S noong binisita ko si Lolo Matencio. "Bet ko 'yong red--- mas lalong lulutang ang ganda mo d'yan at baka pag-uwi mo sigurado na akong buntis ka na." Binato ko ito ng hanger na hawak ko mula sa kung saan nakalagay kanina ang dress na pinili niya para sa akin. "Gaga. Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin? Parang ang landi ko naman, Perlas ha!" natatawa kong sabi. Hindi naman ako napikon sa mga sinabi sa akin ni Pearl. Kilala ko naman ang mga birong lumalabas sa bibig nito madalas. Kaya nga natutuwa ako sa kaniya and aside of that thankful din dahil may isang katulad niya sa buhay ko habang nandito ako sa Cebu. "Tinood gid!Ka-gwapa ka sina karon, Gail," ani nito. Ngumiti ako sa kaniya. Lumabas mula sa bibig ko ang salitang salamat. Tumayo na ito mula sa kanina pang pagkakaupo sa kama ko. "Maiwan muna kita para makapag-ayos ka." "Okay lang naman na nandito ka. Ayaw mo ba akong samahan mag-ayos?" "Huwag na. Gusto kong magmuni-muni ka rin. Kilala kita, Bruha. Sigi na. Kailangan ko ng umalis at may pupuntahan pa ako--- mamimili pa ako ng mga items para sa live selling ko bukas." Hindi ko na ito pinigilan pang mag-stay dito sa silid ko. Mas gusto ko nga naman mag-ayos mag-isa at walang ibang kasama sa ganoong paraan mas magagawa ko ng maayos ang sarili ko sa pagbibihis maging sa paglagay ng sarili kong make-up. Light make-up lang naman ang balak ko. Gusto kong isipin ni Thunder na simple lamang akong babae. Wala man akong nabasa sa datos niya na kung ano ang magugustuhan niya sa isang babae--- mainam na rin 'yong manatili akong simple sa mga mata niya. I don't want him also to expect more from me. Iba ang pakay ko sa kaniya at hindi ang magpa-impress dito. Though. Bahagi rin siguro ng plano ko 'yon but not at this time masyado pang maaga ang lahat para sa bagay na 'yon. Balak ko sanang pumasok sa sarili kong banyo sa silid ko nang biglang tumunog ang caller tone ng cellphone ko. Mabilis ko itong dinampot sa ibabaw ng kama ko--- umaasang si Pearl ang tumatawag dahil baka may nakalimutan lang ito. Iyon na lamang ang pagtataka ko nang numero lang ang nasa-screen. Kunot-nuo kong sinagot ito. "Hello?" ani ko. "Hi. Magandang hapon, Ms. Sanchez. Kamusta ka? Si Thunder nga pala 'to." Napalunok ako sa hindi ko inaasahang tawag na matatanggap ko mula kay Thunder. Oo nga pala. Naalala ko na may calling card nga pala akong binigay sa kaniya. Sinabit ko muna ang damit na balak kong isuot mamaya. "I'm good. Nagulat ako at akala ko kung sino ang tumatawag ikaw pala. Wala ka man lang pasabi--- muntik ko ng i-reject ang call." "Bakit naman?" seryosong tanong nito sa akin. "Wala lang. Nakasanayan ko na rin sigurong hindi nakikipag-usap over phone sa taong hindi ko kilala." "Oh. Sorry. Nakalimutan kong i-message muna kita. Mabuti rin pala at sinagot mo." Napangiti ako sa naging tugon nito sa akin. Binaling ko ang tingin ko sa repleksyon ko sa salamin. "No. It's okay. I will save your number na lang para sa muli mong pagtawag alam ko na kung sino.." "Good to hear that, Gail. Thankyou. By the way kaya lang naman ako napatawag para tanungin ka sana kung susunduin ba kita? Hindi ko rin kasi nakuha ang address mo kung saan ka nakatira. What do you think? Pwedi naman akong sunduin ka kahit saan ka.." Napalunok ako. Hindi maaari, ani ng isip ko. Isa sa mga plano ko ang hindi ipapaalam kay Thunder kung saan man ako nakatira at mahirap na. Ayaw kong malaman nito ang lahat ng tungkol sa akin--- sapat na siguro 'yong peke kong pangalan at edad na lang. Hindi naman siguro kailangan kung pati ang bahay ko alam din nito. "Malayo dito sa amin. Kung gusto mo magkita na lang tayo sa talyer kanina. Okay lang ba?" tanong ko. Hoping na sana hayaan niya na lamang ang gusto ko. Sa ngayon hindi pa ako handa para ibigay pa ang ibang impormasyon tungkol sa pribado kong buhay sa kaniya. "Sigi. Okay lang. Ikaw naman ang masusunod. Walang problema sa akin, Gail. Ang importante lang naman ay ang makapunta ka at makita kita ulit.." "Masyado naman yatang maaga para sa pambobola, Mr. Paraiso.." natatawa kong turan sa kaniya. Natawa rin ito sa sinabi ko sa kaniya. I did not imagine na ganito pala kagaan kausapin ang isa sa mga apo ni Don Ignacio. Gayunpaman. Hindi ito magiging dahilan para magbago ang isip ko sa lahat ng plano ko sa kanila. THUNDER "I'm sorry, Gail. Baka pag-isipan mo ako ng iba. Iba lang din ang dating mo sa akin. I have this feelings na you're a good friend," sabi ko sa kaniya. "Sigi na. Kailangan ko pa maghanda. Baka maghintay ka mamaya sa akin, ikaw rin mababagot ka lang." "No. Kahit gaano katagal hihintayin kita, Gail. Promise gyud." Napangiti ako nang hindi ito nakapagsalita agd sa mga sinabi ko. "See you later, Gail.." "See you later, Thunder. Salamat sa imbitasyon." "It's my please. Bye. You don't have to hurry okay. Hihintayin kita kahit gaano katagal." "No. Hindi naman ako ganoon. Never pa naman ako may pinahintay actually. Basta darating ako kung mauna ka man o mauna man ako no worries. See you. Bye." Hindi na ako na nakapagsalita pa ng magpaalam na ito. Napangiti na lamang ako sa pag-uusap namin ni Gail. Hindi ko akalain na ang babaeng makikita ko lang kanina sa isang hindi inaasahang panahon ay magiging kaibigan ko sa hindi rin inaasahang pagkakataon. Kahit na ang isang tulad ni Gail Sanchez ay isang estranghera. Napalunok ako. Oo nga pala. Ngayon pa lamang nag sink-in sa utak ko na isa nga pala itong total stranger. Hindi naman siguro ito masamang tao ? aniya sa isip ko. Masyado naman siyang maganda para paghinalaan mo ng ganyan, Thunder,' kastigo ko sa aking sarili. Maganda si Gail--- gandang alam ko sa sarili kong walang kahit na sino ang makakatanggi sa kahit na ano'ng pakay man nito. Napalunok ako sa pangalawang pagkakataon. Hindi naman yata tama 'tong mga naiisip ko tungkol sa dalaga. Tumayo na ako at kailangan ko ng puntahan si Sylvia para sa mga hinahanda sa party ni Lolo Ignacio--- mukhang nakalimutan ko pa yata ang mga kapatid kong gustong makarating ni lolo. Alam kong malabo ng mangyari 'yon. Ano'ng oras na rin kung makakahabol man ang mga ito hindi rin ikakatuwa ng lolo ko 'yon. Ayaw ng lolo kong magiging abala sya sa mga ito. Nandito naman ako para sa abuwelo ko at gagawin ko ang lahat maging masaya lang siya sa araw na 'to. Hindi ko bibiguin si Lolo Ignacio, ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng pagmamahal na hinahanap niya mula sa mga kapatid kong hindi na siya nagawang maalala pa. Kung ayaw umuwi ng mga ito, naiintindihan ko naman. Actually, dapat na rin naman kaming masanay ni lolo. Limang taon na rin naman halos silang hindi umuuwi dito--- himala na lang talaga siguro ang makakapagsabi kung babalikan pa nila si lolo. Kahit ako hindi naman na ako umaasa pa, tanggap ko ng may sarili na kaming mundo. Wala naman dapat sisihin at kasalanan din naman ni lolo, masyado siyang naging mahigpit sa mga ito--- marami siyang ultimatum na pinatupad noon na sinaklawan ng halos lahat ng mga kapatid ko. Kung hindi nga lang din ako siguro ako masunuring apo at kung wala lang akong pangako sa mga magulang ko, baka maaaring sumunod na rin ako sa mga kapatid ko para hanapin ang sariling kagaya ng nga dahilan nito. Hindi ko namalayang nandito na ako sa harap ng library ni lolo--- it's happen to be our assignment corner before noong nag-aaral pa kaming magkakapatid at noong buhay pa si mama at papa--- dito kami madalas mag-aral at nasa tabi lang ang mga magulang namin para gabayan kami sa lahat ng ginagawa o pinag-aaralan namin. Parang kailan lang pala ang lahat ng 'yon, napakalaki na ang pinagbago na ngayon kasabay ang pagkamatay ni mama at papa ang malayang hinarap ng mga ito ang buhay sa labas malayo sa presensiya ni lolo. Ako bilang apo ni lolo, naiintindihan ko kung saan galing ang kahigpitan na mayroon siya--- pinaliwanag niya naman sa amin 'to! Wala na kaming magulang at ito na lang ang nag-iisang gumagabay sa amin para mapalaki kami ng tama at hindi maligaw ang landas namin. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat, ipapakita at ipaparamdam ko sa mga itong walang mali si lolo--- sila lang ang hindi nakaintindi at sinaklawan ang lahat ng karapatan ng abwelo ko para protektahan kami sa lahat ng panahon o pagkakataon man. 'Siguro ako na lang ang babawi kay lolo,' bulong ko sa aking sarili. Buo pa rin naman ang tiwala kong sasamahan ko ito kahit na anong mangyari at sa lahat ng selebrasyon niya sa buhay pinapangako kong kasama niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD