IN RELATIONSHIP THUNDER Doon na ako sa dining naghanda ng mga plato, wala kasi akong magawa habang nagluluto si Gail. Nang matapos na akong maghanda ay nagpaalam ako saglit kay Gail para pumunta sa hardin at pumitas ng mga tangkay ng rosas para mailagay as center pieces. I looked at the roses on my hand, sigurado matutuwa si Lolo kapag nakita niya ang mga ito sa mesa. "Uy, ang bango," hindi ko maiwasang sambit pagkapasok ko muli sa kusina. "Risotto is almost done," nakangiting sambit niya. "Tatawagin ko na si Lolo?" I told her at tinanguan naman ako ni Gail. She made me prepare two plates, one for the first course and the other for the second course. Sa totoo lang ay masarap iyong risotto, pati si Lolo ay napadami ang kain kaya umayaw na para sa second course. Hindi na namin napig

