GAIL NAKARATING na ako sa apartment na tinutuluyan ko kasama ang kaibigan kong si Pearl, nandoon na ang kotse nito sa garahe kaya pihado akong nandito na rin ito. Pasado alas-onse na ng gabi. Nagpapahinga na siguro ang kaibigan ko. Pagod akong bumaba sa sasakyan ko, mabuti na lang pala at hindi ako nagpahatid kay Thunder, mapapagod lang din ito ng sobra. Bakit nga ba ako concern sa kaniya? Wala naman dahilan 'diba? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko nararamdaman 'to--- walang lugar sa buhay ko ang isipin siya. Iyon ang dapat. Binuksan ko na ang pinto ng main door; tahimik ang buong bahay. Napatingin ako sa pangalawang palapag--- maliit lang naman ang apartment namin na 'to! Sapat na para sa amin ng kaibigan ko, hindi rin naman kasi kailangan tumira sa malaking bahay

