LUMIPAS ang gabi at hindi nakauwi si Lara sa bahay niya. Minarapat na manatili sa tabi ni Greg dahil hindi niya matiis na maiwan ito. Madaling araw nagising siya na wala sa tabi si Greg. Naalimpungatan si Lara dahil hindi alam kung saan naroon ito. Bumangon siya at nagmasid sa paligid ng kwarto dahil tangin lampshade lang ang nagsisilbing ilaw sa loob. Lumayo siya sa kama at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas niya ay wala din sa labas si Greg. Kung kaya ay sumilip siya sa kwarto ni Gio na bahagyang nakaawang ang pintuan. Hinawakan niya ang door knob at binuksan ito. Pumasok siya upang tingnan kung naroon ba si Greg. Bumungad nga sa kaniya ang kaniyang mag-ama. Nakayakap si Gio kay Greg. Napangiti naman si Lara na muling masilayan ang mag-ama na magkasama. Tiningnan niya ang oras nas

