Dumating si Ivan na bitbit ang kanilang hapunan. “Oh? Bakit naman ang dami niyan?” Nagtatakang tanong ni Lara. “Bakit? Hindi lang ikaw ang kakain nito. Bibigyan ko ang mga nurse na mag-aasikaso sa inyo dito. Kailangan din nila kumain. Gusto ko masiguro na hindi ka mahihirapan sa pag-aalaga sa asawa mo. Mas maigi na makagaanan ka nila ng loob para hindi ka mahirapan kung may kailangan ka." Ini-schedule na ang operasyon ni Greg kaagad matapos na lumabas ang result ng kaniyang mga tests. Pinatawag naman ng doctor si Lara. Agad naman siyang bumaba upang kausapin iyon. Pinaliwanag sa kaniya na may bone fracture si Greg sa bandang kanan ng binti dahil sa pagkakaipit nito sa driver’s seat ng maaksidente. Kinailangan niyang sumailalim sa mabusising operasyon. Ipinaalala ng doctor sa kaniya na

