Chapter 51 Taking Time

1228 Words

Tahimik ang paligid at malamig ang samyo ng ihip ng hangin. Nakaupo na magkatabi lang si Lara at Ivan. Hindi man nagsasalita ay nagkakaintindihan ang kanilang mga kilos. Umakbay si Ivan kaniya. Napasandal naman si Lara sa balikat niya. Iyong pakiramdam na kahit umagahin ay maayos lang. Sapat na ang kaunting panahon na sila ay magkatabi at magkasama. “Alam mo ba naalala ko isa sa mga lesson noon sa paborito ko’ng subject. Noong minsan ako naligaw sa ibang kurso." Kwento ni Ivan kay Lara. "Ang proxemics daw ay may apat na category.” Ang sabi ni Ivan. Natawa si Lara dahil hindi niya inaasahan ang lecture na ito. “Proxemics? Ano naman ‘yun?" nagtaas ng kilay si Lara "Sige nga—” ang hamon niya kay Ivan. “Makikinig ka ba?” ang tanong ni Ivan sa kaniya. Tumango naman si Lara. Nakaguhit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD