Chapter 8 Wrecked

1541 Words
NATAPOS ang araw na iyon, masaya ang selebrasyon. Pag-uwi sa bahay ng mga Ledesma ay nahiga si Lara sa kama sa kuwarto, nakalapag doon ang mga gamit nila ni Greg. Napapikit siya ng kaniyang mga mata dahil sa pagod ng buong araw na pag-aasikaso ng party ni Gio. Sumasagi sa isipan ang mga masayang sandali dahil ramdam ang saya ng anak at napagbigyan nila ang kahilingan nito. Napabuntong hininga siya dahil upang pawiin ang pagod. Biglang nagvibrate ang phone ni Greg. Naramdaman ito ni Lara. Minulat ang mga mata at hinanap kung saan naroon ang cellphone nito. Kinapa niya ang bag na nasa kanang bahagi niya, subalit wala doon. Nakita niya ang hinubad na shorts ni Greg at doon niya nakita ang hinahanap. Kinuha ang phone mula doon at tiningnan. May tawag mula kay Tina. Napahigpit ang kapit sa bagay at nagsimulang manginig ang kamay nito. Muling nakaramdam ng takot si Lara. Huminga siya ng malalim, habang nakapikit. Tumayo siya at lunapit sa pintuan. Isinara niya ang pinto ng silid. Handa na siyang sagutin ito. Inilapit niya ang cellphone sa kaniyang tainga ng sagutin iyon. Tahimik na nag-aabang sa boses mula sa kabilang linya. May isang malamig na boses ng babae ang bumungad sa pandinig na nagpaalab ng pait at kirot sa kaniyang puso. “Hello, Daddy? I miss you na agad. Nakauwi na kayo? Sayang naman, hindi man lang tayo nakapagpapicture kanina.” Ito ang dire-diretsong sabi ni Tina mula sa kabilang linya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay na may hawak na phone. Napasandal si Lara sa pader malapit sa puntuan. Matapos marinig ang boses na iyon, humagolhol si Lara. Iyon ang simula ng paninikip ng dibdib niya. Poot ang naramdaman niya, sa pangyayaring ipinagasawalang bahala dahil nais manahimik upang mapanatili ang pagsasama nila ng kaniyang asawa. Ang sobrang masayang araw ay napalitan ng pait. Gulong-gulo ang isip niya at hindi mapigilan ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata. Nakahawak sa dibdib na parang mabibiyak dahil tagos sa kaloob-looban ang sakit na dulot ng narinig. Humikbi siya ng may pag-iling ng ulo dahil hindi matanggap sa sarili na nasa harap na niya ang babaeng iyon at hindi niya nagawang sabihin dito ang nararamdamang pangamba. May kumatok sa pinto. Natigilan si Lara. Niluwagan niya ang lock nito. Pinahid ang mga luha at dali-dalung naupo sa isang sulok. Pumasok si Greg, doon ay nakita niya ang asawa na nagmumukmok. Nakayuko na nakayakap sa mga tuhod. Bumagsak ang mukha ni Greg ng madatnan sa ganoong sitwasyon ang asawa. Nilapitan niya ito ng mabilis. Dahil sa pag-aalala kung naapano ang asawa niya. Lumuhod ito sa harap ni Lara. Humawak sa mga braso. Subalit winaksi ni Lara ang kamay ng kaniyang asawa. Nagtaas ng tingin si Lara kay Greg. Sinampal ni Lara sa pisngi ni Greg ang cellphone nito. Isang malakas na pagbaling ng galit sa kaniya. Nagulat siya. Kung ano man ang ikinagagalit ni Lara ay wala siyang alam. Ramdam ni Greg ang sakit noon. Napabaling siya ng tingin sa kaniyang kaliwa dahil sa ginawa ni Lara. Bakas sa mukha ni Lara ang malalim na galit dahil nandilim ang mukha nito habang nakatitig sa kaniya. Hinarap ni Greg si Lara at tinitigan sa mga mata. Nangungusap siya subalit galit ang ipinakikita nito sa kaniya. “Sandali!” Pinigilan niya sa pagkakataong ito si Lara na hindi ituloy ang pananampal. “Anong nangyayari?” Umiiyak si Lara, umiiyak ng walang sinasabi. Iniabot ni Lara ang phone kay Greg upang makita kung sino ang nasa call history ng phone niya. Kinuha naman niya ito ay binuksan. Nagulat si Greg. Napaisip, kung paano magpapaliwanag. “Anong meron sa phone ko?” tanong ni Greg kay Lara. “Sino si Tina sa buhay mo?” pasigaw na tanong ni Lara. “Wala, kaopisina ko lang.” “Sinungaling ka Greg!” garalgal ang tono ng pagkakasabi ni Lara. “Niloko mo-- ko!” humagulhol ito ng iyak. “Makinig ka muna, Mom!” nakikiusap siya kay Lara. “No!” pagmamatigas naman ng asawa. “Hindi ko babae si Tina.” katwiran ni Greg. “Sinungaling! Manloloko ka pa din, Greg! Niloko mo kami ng mga anak mo.” Patuloy ang pagbuhos ng luha ni Lara. Naririnig mula sa ibang kuwarto ang boses ng mag-asawa, naririnig din ito ni Gio. Maya-maya ay kumatok si Melinda. Tuluyan na itong pumasok sa loob upang usisain ang nangyayari sa mag-asawa. “Anong nangyayari?” “Ma, si Greg, may babae si Greg!” “Ano ba naman, Lara nakakahiya sa mga kapitbahay. Pwede ba, ayusin niyo ang problema ninyo ng hindi nakakaistorbo sa iba.” Ito ang mas lalong nagpabigat sa loob ni Lara. Hindi niya akalain na iyon ang maririnig nito mula sa biyenan. Magulong magulo ang isip niya. Kung bakit sa araw na iyon, masayang-masaya ang kaarawan ng anak, doon pa niya maririnig ang boses ni Tina at Daddy rin ang tawag nito sa asawa niya. “Lara please? Calm down and let’s talk peacefully.” Ito ang pakiusap ni Greg. “Peacefully! Sh*t. Kakalma ka ba sa ganitong sitwasyon? Palibhasa hindi ikaw ang niloko, Greg. Hindi mo alam ang sakit.” Dinuduro ni Lara si Greg. Patuloy pa din sa pag-iyak. Hindi siya makausap ni Greg ng mahinahon. Kung kaya ay lumabas si Greg. Naiwan si Lara sa loob ng kuwarto. Sumunod si Melinda palabas ng kwarto at hinayaan na lamang ang nangyayari. Naiwang mag-isa at umiiyak si Lara. Kailangan niyang ubuhos ang masakit na nararamdaman dahil sa pangyayari. Humihikbi at halos nais saktan ang sarili dahil hindi niya kayang dalhin sa sarili ang nararamdaman. Ilang oras ang lumipas. Kumalma na nga si Lara. Nakatulala ito habang nakaupo sa ibabaw ng kama sa loob ng kwarto. Ang tanging iniisip niya sa oras na iyon, "anong mangyayari sa baby kung ganito ako?" Pumasok muli si Greg sa kwarto. Nahimasmasan na ito kahit papano, marahil ay pumayapang saglit ang isip ng maalala ang batang nasa sinapupunan niya. Isang malaking biyaya na sa kalagitnaan ng pagdududa ni Lara, ay binigyan siya ng kalakasan, tila isang gabay upang hindi siya tuluyang mawalan ng pag-asa dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi nagsasalita si Greg, hinahayaan lang niya si Lara nasa tabi lang siya nito. Nakatulala habang yakap ang unan. Sinubukan niyang hilahin si Lara papalapit sa kaniya. Trying to make her feel good kung mayayakap niya ito. Tinanggihan iyon ni Lara. “Utang na loob, iwan mo ko Greg, nadadagdagan ang bigat ng dibdib ko pag andiyan ka.” Pakiusap ni Lara kay Greg. Walang atubiling, lumabas na din ito, dahil magulo pa ang isip ni Lara. Pilit na tinikom ang mga bibig at pinagbigyan ang asawa. Ilang oras ang lumipas. Malalim na ang gabi. Pumasok ng kwarto si Greg. Nasilayan ang asawang nahimbing na ang tulog. Namumugto ang mga mata, pagod na pagod si Lara. Hindi rin nakatulog si Greg. Nasa tabi lang ito ni Lara. Malalim ang iniisip. Hindi niya malaman kung sa paanong paraan niya makukuha ang loob ng asawa at kung papaano niya ito makakausap ng hindi na nila kailangan magsigawan. Hanggang sa mag umaga na. Nagising si Lara na nasa tabi niya si Gio. Parang madudurog muli ang puso nito. Unti-unting tumutulo ang luha at dumadaloy sa kaniyang pisngi. Doble ang sakit na nararamdaman dahil para kay Lara, kaawa-awa ang sitwasyon nilang mag-iina. Kasama niyang naghihirap ang sanggol na nasa sinapupunan niya. Sa mga paahong iyon, nais ni Lara na lumayo sila ni Gio mula sa bahay na iyon. Subalit paano niya ipaliliwanag sa anak ang dahilan ng pag alis? Kinailangan ba na danasin nila ni Gio at ng anak sa sinapupunan ang ganoong klaseng buhay? Hindi inaasam ni Lara ang perpektong pamilya, nais lang nito na maibigay ang masayang pamilya sa anak. Bakit kailangan na magdusa siya sa panahong may dinadala pa? Isang malaking pagsubok na dapat niyang kaharapin. Nararapat siyang magpakatatag. Kinakailangan niyang malagpasan ang unos na ito sa kanilang buhay. Alang-alang sa kapakanan ng kaniyang mga anak. KINAUMAGAHAN ay maagang umalis ng bahay si Lara. Hindi nagsuot ng uniform sa trabaho. Nag-ayos na parang walang nangyari kagabi. Nagsuot siya ng eye glasses upang maitago ang namumugtong mga mata. Nagpaalam siya kay Gio na lalabas para may bilhin Mag-isa lang siyang bumiyahe patungong opisina. Sa pagkakataong iyon ay nag file ng pagliban sa opisina si Lara. Nagtataka si Vincent kung bakit biglaan ang kaniyang pagliban sa trabaho. Hindi niya sinabi kay Vincent kung ano man ang nangyari. Minabuti niyang umuwi at manatili sa piling ni Gio. Napag isip-isip ni Lara na umalis pansamantala, di niya nais makasama ang asawa. Subalit paano? Hinahanap ni Gio ang ama hindi niya ito pwedeng ilayo. Ang damdamin ni Lara bilang ina, ay mahirap kalabanin. Lumipas ang dalawang araw, ay di pa din sila nag uusap ni Greg. Walang kumikibo sa harap ng pagkain. Tanging si Gio lamang ang kinakausap ni Lara. Kahit na nakikipag usap si Greg, hindi ito pinapansin ni Lara. Kahit si Melinda ay hindi na din kumikibo sa hapag. Walang magawa sa nangyayari sa mga-asawa. Matanda na siya upang madagdagan ang iisipin. Ipinagwawalang-bahala ang nangyayari. Sanay na sanay na si Melinda sa gawain ng anak nito. Hindi niya kayang baguhin dahil may katigasan din ang ulo. Hindi nakikinig dahil tanging ang gusto lamang ang nais sundin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD