PABALIK-BALIK sa paglalakad si Joey sa may sala nila habang tumatakbo sa isipan niya si Daxx na iniwan nila sa may palayan. Hindi siya natatakot para kay Daxx, natatakot siya sa puwedeng gawin nito sa anak ng mayor na puwedeng magdiin kay Daxx pag may ginawa ito. Nasa sala lang si Joey at kanina pa siya pabalik-balik ng pagsilip sa may teresa nila dahil inaabangan niya ang pagbalik ni Daxx. Pinapanuod naman siya ng kaniyang ama at ina na nakaupo habang gumagawa ng assignment si Gabriella na tinutulungan naman ni Amara. "Josefa, bakit hindi ka muna maupo. Kanina ka pa pabalik-balik ng paglalakad diyan." ani ng ina ni Joey na lumingon sa kaniya. "Nag-aalala lang po ako inay, baka kasi kung anong gawin ni Daxx." sagot ni Joey na ikinakunot ng noo ng kaniyang ama. "Natatakot ka sa puwedeng

