SA OPISINA NI Daxx ay nakaupo siya sa table niya habang nire-review ang dumating na mga documents mula sa SAGA, ilang linggo na din niyang hindi nadadalaw ang kaniyang kumpanya kaya pinadala na ng kaniyang secretary ang mga dapat niyang tingnan na documents, lalo pa at magkakaroon ng branch ang SAGA sa pilipinas na napirmahan na niya. Bahagyang naiinis si Daxx habang nagtatrabaho dahil iniwan niya si Joey sa garden ng manor niya ng mag-isa. Kahit pinaiwan niya sina Jeremiah at Casimiro para bantayan si Joey, ay hindi mapakali si Daxx na hindi nakikita si Joey. Pero ayaw niyang magsawa o magreklamo si Joey sa pagiging clingy niya. Ngayon lang nagmahal si Daxx, at hindi niya inakalang ganito siya magmamahal. Alam niyang si Joey ang magiging kalakasan niya, pero magiging kahinaan at ikabab

