" I wanna be like you mommy when I gwow up po." napangiti ako sa sinabi ni Dreena. Kanina pa ako nito pinapanood at ginagaya ako sa pagme- make up.
Nung bata ako hindi naman ako mahilig sa mga ganito. Nagsimula na lang akong magka interes na maglagay ng kolorete sa mukha nung mag thirteen years old na'ko at magsimulang magkaron ng crush.
" Really baby? You want to be like mommy?" kunwa'y tanong ko.
"Yes mommy. I want to be as beautiful like you mommy." Natawa na'ko sa pambobola ng anak ko. Nag-uumpisa na naman kasing dumaldal. Medyo hirap lang syang bigkasin ang 'r' sound minsan. Unlike sa kapatid nitong si Nix na hindi na nabubulol. Kung dati ay nakaka intindi lang sila ng tagalog ngayon ay kahit paano alam na nila kung paano magsalita niyon.
" I'm sure baby, that you'll be more beautiful when you grow up." napabungisngis ito sa sinabi ko.
" Can I also twy to weaw your high heels mommy? "
" No baby, you can't. Not yet. You're still a baby and mommy's shoes are too big on your feet."
"Okay po mommy.." kahit makulit itong si Dreena madalas, kapag in-explain ko naman sa kanya ng maayos ang mga bagay na bawal ay madali nya namang maintindihan.
Natahimik lang ito saglit ng maglagay na ako ng lipstick sa mga labi at ginaya na naman ako ng anak ko. Lip balm nga lang ang ibinigay ko sa kanya.
" Mommy, when I gwow up po can I weaw dwess like you'we weawing now?" anito na sa suot ko na nakatingin. Kitang kita sa mga mata ang pagka mangha. Bihira lang kasi nila akong makita na nagsusuot ng mga ganitong gown. Tuwing may okasyon lang gaya ngayon. Aattend ako ng birthday. Seventy- fourth birthday ng Lola Guada ni Jen. Naging malapit ako dito mula nung mga high school pa lang kami ng bestfriend ko. Nalaman din kasi nito na nakabalik na ako ng Pinas kaya gusto akong makita.
"You look like a pwincess mommy. Ay no po pala. " tinakpan pa ni Dreena ang bibig gamit ang maliliit nitong mga kamay. Ang cute nitong pagmasdan.
"Am I not?" kunwa'y napa simangot ako.
" Because you awe a queen mommy and I am the pwincess. And Kuya Nix is the pwince."
"Asus! Nagbobolahan na naman kayong mag-ina dyan. Naiinggit tuloy ako. Parang gusto ko na din tuloy magka baby." ani Gwen na kapapasok lang ng kwarto ko. Nakabihis na rin ito at ready na sa pag- alis namin.
Magkakasama na kami ngayon nila Gwen, Mommy at Papa Jaime. Naipakilala ko na sa kanila ang mga anak ko at sobrang naiyak si mommy nung makita ako at ang kambal. Si Papa Jaime ang nag decide na umalis na lang kami ng Manila at sa ibang lugar muna pansamantalang tumira nung sinabi kong wala akong planong ipakilala ang mga anak ko sa ama ng mga ito. Mabuti na lang at naintindihan nila ako kahit nong una ay medyo nag atubili pa sila. Hindi ko raw habang buhay na maitatago ang mga anak ko at malalaman din ng mga Andrada ang tungkol don. Alam ko naman yun... Well at least wag muna sa ngayon. Hindi ko pa kaya.
Narito kami ngayon sa farm nila Papa Jaime. Sobrang enjoy ang dalawang bagets. Bago kasi sa kanila ang mga ganitong experience. Tuwanng tuwa sila tuwing sasakay ng kabayo, aakyat ng puno at kapag pumupunta sa palaisdaan para mamingwit at manood sa mga trabahador doon na nagha harvest ng mga isda.
" But mommy who is the king po?.."
Natigilan ako bigla sa pagsusuklay ng buhok ko at napatingin ulit kay Dreena. Alam kong wala lang dito ang tanong na iyon pero napaka laki ng impact sa akin.
" Need ba may king baby?" ani ko.
" Yes po. Sa t.v. po mommy may king po and queen and may pwince and pwincess."
Ito na ba ang simula ng paghahanap nila ng ama? Masyado na ba akong nagiging makasarili dahil mas pinili kong intindihin ang nararamdaman ko kaysa sa kasiyahan ng mga anak ko? Natatakot lang naman ako'ng baka kapag nagkakilala na sila ng kanilang ama ay ito ang mas pipiliin nila. O baka masaktan silang kagaya ko dahil baka hindi sila nito kilalanin.
" Hindi naman need ng king baby Dree para maging queen si Mommy." ani naman ni Gwen." okay na sana ang sinabi ng kapatid ko kung di nya lang dinugtungan. " pero kung gusto mong magkaroon ng king si mommy queen mo, pwede naman tayong maghanap ng king."
" Saan po Tita pede mag find ng king?"
Napakamot si Gwen sa leeg at nakangiwing tumingin sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Bahala sya sumagot sa tanong ni Dreena.
" Ahm.. Next time na lang po natin pag-usapan yung about sa king baby Dree. Busy pa kasi siguro yung mga kings ngayon kaya hindi pa natin sila pwede makita?" gusto kong matawa sa mga pinagsasabi ng kapatid ko. Base kasi sa reaksyon ng mukha nito ay alam kong maging ito mismo ay naguguluhan na sa mga pinagsasasabi.
" Awe you alweady mawwied po Tita Gwen?" pareho kami ni Gwen napakunot ang noo sa tanong ng anak ko.
" Mawwied? " ulit ng kapatid ko." What's that? "
" Married daw." ani ko. "Hirap pa nga kasi sya sa 'r', di ba?"
" Oh, no no baby Dree." anito namang natatawa. Para s'yang na shock sa tanong ng anak ko. " I'm still single. O-M-G! Boyfriend nga wala ako, e. "
" What is single po Tita?" humihingi na ng saklolo ang tingin ni Gwen sa'kin.
" Dree, what Tita Gwen mean is she's still unmarried. No husband yet." explain ko naman.
" Hindi pa po nagkasal?"
"Ahuh."
"Eh why po she wants to have baby alweady if she is not yet mawwied?"
" Dree, what Tita Gwen said was just a joke and its for adult stuff okay? You're still not yet ready for such topics."
" Yung totoo ate..." si Gwen na hinihilot hilot ang sentido. " sigurado ka bang magf- four pa lang yang mga anak mo?"
"Huh?" kunot noo ko namang binalingan ang kapatid ko.
" Parang matanda na kung magsalita e. Lalo yung isa oh." inginuso nito si Nix na nakadapa sa kama at busy na naman sa pagbabasa ng book na binili ni Papa Jaime. " Hey Nix how are you?"
Three years old pa lang ang mga anak ko marunong na silang magbasa. Genius nga daw sabi ni Mama Shiela na syang madalas magturo sa kanila nung nasa London pa kami at nasa trabaho ako. Mana kasi sa tatay nila. Pero sa dalawa, si Nix talaga ang mahilig mag-aral. Mas gusto nito ang books over gadgets. Si Dree naman mas love ang music at maglaro.
Kagabi nagpunta sa library ni Papa Jaime ang kambal para sana humiram ng books. Gusto raw kasi nila magbasa muna ng story bago matulog kaso nga lang ay wala naman doong pambata at puro mga law books at kung hindi ay puro patungkol sa business naman. Kaya kaninang umaga kaya pala maagang lumuwas ng bayan si Papa ay para lang bilhan ng books na pambata ang mga anak ko. Tuwang tuwa kasi at ang tatalino raw ng mga apo nya.
"Hi Tita Gwen! Im doing good po. How are you po?" sagot naman ni Nix na bahagya lang lumingon sa Tita Gwen nya at pagkatapos ay muli nang bumalik sa pagbabasa
" Oh, di ba. Kala mo anlaki na nya kung magsalita. Baka mas maunahan pang mag matured si Zyrone ng anak mo." natatawang sabi ni Gwen na medyo pabulong lang.
" Who's Zyrone po Mommy?" singit ni Dreena na narinig pala ang sinabi ni Gwen. Muli ay nagkatinginan kami ng kapatid ko. Bahagya ko syang pinandilatan. Ang daldal kasi masyado. Sa kanya ata nagmana itong si Dreena e.
" Dree, Tito Zyrone is our very close friend. " ani ko.
" We have Tito po Mommy?" anito namang excited. " When can we meet him po?"
Natigilan ako doon. Para akong biglang nakonsensya. Sa kagustuhan kong wag silang magkita ng ama nila ay inilalayo at itinatago ko sila pati sa mga taong malalapit at naging parte na ng aming pamilya.
" Baby Dree, you'll meet them soon. It's just that Tito Zyrone is living very very far from here, so don't you worry, I'll tell you kapag nag visit sya dito. " si Gwen na ang sumagot.
"Okay po Tita." nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang talaga at madaling kausap itong si Dreena at hindi na nangulit pa tungkol sa Tito Zyrone nya.
" When I gwow up mommy I also want to have fwends like Tita Jen and Tita Gwen. They awe so nice po beco'z they love you."
"Awe, you're so sweet naman baby Dree." anang kapatid ko na nabola na naman ni Dreena. Niyakap pa nito ang anak ko. Pinanggigilan at hinalik halikan sa pisngi at leeg kung saan malakas ang kiliti nito.
" Tita, tita stop po please..." ani Dreena sa pagitan ng pagtawa. " Mommy heeelp!"
Natatawang tinigilan naman ito ng kapatid ko. "Haay why do babies smell so good?"
" I'm no baby na Tita Gwen." protesta ni Dreena. "Look po, oh. Im big now. I know na po how to put make-up on my face like mommy."
" Oh sya sya. Sige na big ka na."
***************