CHAPTER THIRTEEN

2617 Words
ALA-UNA na pala ng hapon at hindi man lang namalayan ni Alex ang oras. Sabagay, this past few days ay ganito sya araw-araw dito sa opisina, madalas s'yang nalilipasan ng gutom dahil nakakalimutan nyang kumain ng tanghalian. Dati rati kasi alas onse pa lang ay nakaka-receive na sya ng mga texts at minsan nga ay tawag pa na hindi naman nya sinasagot dahil galing iyon kay Lorraine, para lang ipaalala sa kanya na tanghalian na at 'wag syang magpapalipas ng gutom. Madalas nga ay ipinagluluto pa sya nito at nag-aabala pa talaga itong personal na ihatid sa kanya ang mga inihanda nitong pagkain para lang sa kanya na as usual ay ni hindi nya tinitikman at ang mga kaibigan nya ang madalas na nakikinabang. Pero ngayon, dalawang linggo na itong ni hindi man lang dumadalaw sa opisina. Isang himala dahil walang araw ata na hindi sya nito iniistorbo dati. At nakapagtataka din dahil pati ang mga kaibigan nya at ang mommy nya ay hindi na sya gaanong pinapansin at parang palaging naiinis sa kanya kapag magkakaharap sila. Dapat ay natutuwa pa nga sya ngayon dahil sa wakas ay wala ng makulit na susunod sunod sa kanya. Oo friends na sila ng dalaga dahil napilitan lang sya noon ng mommy nya na makipaglapit dito pero hindi naman kasi ito tumigil ng pagpapapansin sa kanya. flashback " Hey Bro! " kaway sa kanya ni Vincent, kasama nito ang mga kaibigan nila. Nauna na pala ang mga ito dito sa cafeteria. Pasimpleng iginala nya ang paningin sa paligid para masiguro kung andito na naman si Lorraine , at tiyak na masisira na naman ang araw nya. ' Hay, buti naman at wala.' Naglakad na sya palapit sa mga ito at saktong kauupo pa lang nya nang marinig na nya ang boses na iyon at nag-umpisa na naman syang mairita " Alex! " napapikit sya ng madiin at dinedma ang narinig. Nagbingi bingihan na lang sya at hindi iyon pinansin habang ang mga kasama niya ay ang lapad ng pagkakangisi ngayon at halatang inaasar na naman sya ng mga ito. Para talaga itong kabute na bigla na lang sumusulpot kung nasaan sya. Hindi ba talaga nito makuha na ayaw nga niya itong makita o marinig man lang kahit ang boses nito na nakakairita? " Hi Alex! " nakaupo na ito sa bakanteng upuan sa tabi nya. " Hi guys! " " Lalo ka atang gumaganda ngayon, Raine." pambobola naman dito ni David na sinagot lang nito ng matamis na ngiti. 'Tss! bakit hindi na lang kaya si David ang kulitin nito, hindi yung ako ng ako ang ginugulo. Eh mas bagay naman sila.' " What?! " inis na tanong nya dito nang mapansing sa kanya ito nakatingin. " Kanina pa kita tinitawagan pero hindi mo naman sinasagot." Anito at naka pout pa! Gusto na nyang mapa face palm sa hitsura nito. Maganda ito, yes. pero naiirita talaga sya sa presensya nito, eh. Binigyan nya lang ito ng isang nakababagot na tingin. Sana naman makuha na nito ang ibig nyang iparating dito na ayaw nya itong kausapin. " So, what's your order, guys? " si Liam na tumayo na para kumuha ng pagkain. " Ikaw Raine ano gusto mong kainin? " " Li, rice na lang ang i-order mo. Nagdala ako ng maraming ulam for you guys, you know." anito at inilabas ang mga dala. Tatlong tupperwares din iyon. " Wow, andami nyan, ah. Kasama na ba kami sa ipinagluto mo Raine? " si Vincent na parang hindi pa naniniwala. " Oo nga, dati puro si Alex lang kasi ang ipinagluluto mo, eh." ani naman ni David na makahulugan pang tumingin sa kanya. " Na ikaw naman palagi ang kumakain, di ba? " tinaasan pa nito ng kilay ang kaibigan nya. 'So alam din pala nya na hindi ko ginagalaw ang mga ipinapadala n'yang pagkain para sa'kin? At hindi sya nagagalit doon? Bakit hindi pa sya nagsasawang ipagluto ako, eh alam naman pala nyang ni hindi ko man lang iyon tinitikman? ' " Share kaya kami ni Zyrone palagi don... Di ba, Tol? " tinapik pa nito si Zy. " Madalas nga inuunahan pa ako n'yan at sinusolo lang nyang kainin iyong mga niluto mo, eh." " Ang sarap nga kasi tsaka pinaghirapan ni Rain yun..." ani naman ni Zyrone na tatawa tawa. " So, ano rice lang talaga kayo, ha? O-order na'ko." si Liam. " Sama na'ko. Bibili 'ko ng pagkain ko." aniya sabay tayo at hindi na inabalang tingnan kung ano ang reaksyon ng mga kasama nya. Pagbalik nila sa lamesa ay dala na ni Liam ang tigda dalawang extra rice ng mga kasama nila at ang sa kanya naman ay 2pc. fried chicken lang dahil iyon lang ang mukhang masarap sa mga pagkaing nandoon. " Ayan na... excited na ko... Ano ba ang niluto mo for today, Lorraine? " narinig niyang tanong ni David habang nakaabang sa mga tupperware na naglalaman ng kanilang ulam. " Tadaaaa! " nakangiting binuksan naman ni Lorraine iyon. " Lumpiang shanghai, Caldereta with a twist and... " at nalanghap nya ang napakasarap na amoy ng paborito nyang ulam. " Pork Adobo with pineapples." " Wow! Ang sasarap naman nito Lorraine. Ikaw lang nagluto nito?" si Vincent na akala mo patay gutom. Nakangiting tumango si Lorraine. " Uy, diba paborito mo 'to bro? " ani naman ni David na nakaturo sa adobo at ang lapad ng ngiti. " Hindi, ah. Sinong may sabi? " tanggi naman nya kahit ang totoo ay para na syang naglalaway sa amoy niyon. " Wag nang pinipilit ang ayaw. " ani naman ni Zyrone na nakapagtataka dahil kanina pa ata seryoso at hindi sumasabay sa ingay nina Vincent at David. " Ikaw Raine, hindi ka ba kakain? Halika, sabayan mo na din kami." anito pa. " Oo nga Lorraine, halika na... kain ka na din." aya din dito ni Vincent. " Sige, okay lang ako. " nakangiting tanggi nito. " Kain na kayo. Tapos na ko kumain kanina kasabay ko si Gwen. Ipinagdala ko din kasi sya nyan." " Swerte talaga namin sayo, Rainee... Bukod sa maganda at pagiging sweet, ang galing mo pa magluto. San kapa? " ani naman ni David na namumuwalan na. Sarap lang nito batukan. Hindi na lang kumain at pinagpaparinggan pa sya. Tiningnan nya ito ng masama pero ang loko ni hindi man lang tumingin sa kanya. Nakita nyang ngumiti din si Lorraine pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. Mayamaya pa'y napayuko na lang ito. Alam nyang nasasaktan din ito sa pambabalewala nya pero kasalanan din naman nito iyon dahil ayaw sya nitong tantanan. " Da best ka talagang magluto Ulan. Ang sarap! " si Zyrone na sunod sunod ang subo. "Akin na lang yung share ni Alex dyan, ha? " " Hoy, anong sa'yo? Kailan mo pa naging paborito ang adobong baboy? " sagot ni David dito. Oo nga, ang alam din nya ay health conscious itong pinsan nya at hindi rin nito paborito ang adobo lalo na't baboy. Pero ngayon, nakikipag unahan pa kay David sa pagkain. " Ngayon lang, bakit ba? " nakangising anito. Mukhang bumalik na sa mood at wala ng topak. Gutom lang siguro kanina. " Tss! porque si Lorraine lang ang nagluto paborito mo na. Eh, kung sabihin ko kaya kay Mama na ipagluto ka din nya nyan. " " Kumain ka na nga lang dyan Li. Ang ingay ingay mo." nakasimangot na sita dito ni Zyrone. Habang sya ay halos hindi malunok lunok ang kinakain nya dahil iniisip pa rin nya kung masarap nga ba talaga ang kinakain ng mga ito. Sa totoo lang ay natatakam na syang tikman iyon, pinipigilan lang sya ng pride nya. Nang lingunin nya si Vincent ay tahimik lang itong kumakain. Mukhang sarap ng sarap din. Si David ay ganon din at maging si Liam. Hindi kaya nilagyan ng gayuma ni Lorraine ang mga kinakain ng mga kaibigan nya? Ang alam nya kasi ay masyadong maseselan ang mga ito pagdating sa pagkain. Sa isiping iyon ay napatingin sya kay Lorraine. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa mga kasama nya na halos nag-aagawan sa pagsandok ng ulam. Napapangiti pa ito dahil panay ang pang-aasar ni David kay Zyrone. Naramdaman siguro nito na nakatingin sya kaya napalingon ito sa kanya. Ayun at nahuli sya nitong nakatingin kaya naman ngumiti ito sa kanya na ikinairita na naman nya. Hindi pa man sya natatapos sa pagkain ay bigla na syang tumayo at naglakad paalis. Bukod sa hindi sya nasasarapan sa kinakain nya ay nawalan na sya ng gana. Mas mabuti pang bumalik na lang sya ng opisina. " Alex, wait! " narinig na naman nyang tawag ni Lorraine. Nakasunod pala ito sa kanya at humarang pa talaga ito ngayon sa daraanan nya. " Ano na naman ba Lorraine." inis nyang sabi dito. " Bakit umalis ka na? Hindi ka pa tapos kumain, di ba? " kunot noong tanong nito. " Ano ba'ng paki alam mo? " napipikang singhal nya dito. Bahagya naman itong natigilan marahil ay dahil sa tono ng boses nya. Nakita din nya sa mga mata nito na para na itong maiiyak pero saglit lang iyon at maya maya pay ngumiti na naman ito sa kanya. 'Baliw ba talaga ito or sadyang sobrang kapal lang talaga ng mukha? ' " Nagwo-worry lang naman ako sa'yo. Baka kasi mamaya gutumin ka. Alam mo namang ayaw kong malilipasan ka ng gutom." Napa face palm na talaga sya. Nakakairita na talaga ang babaing ito sa totoo lang. " Can't you tell by my look that I don't want to talk to you? " inis nyang sabi dito. Sana naman this time ay matauhan na ito. Sana naman ay mahiya na ito sa ginagawang paghabol habol nito sa kanya. But as expected, it is the other way around. " Lorraine look, I don't want to see you. Kahit boses mo ayokong naririnig. Alam mo kung bakit? Dahil naiinis ako sayo. Sa mga ginagawa mo. " She looked hurt pero anong magagawa nya, eh sa iyon ang totoo. Alangan namang hayaan nya lang ito na umasa sa kanya gayung alam nyang wala naman talagang chance na magkagusto sya dito. Total naumpisahan na naman nyang sabihin dito kung ano ang nararamdaman nya para dito, so itutuloy na nya. Eh ano kung masaktan ito, pakialam ba nya. " If you really like me, then let me tell you this frankly. I don't like you and thre's no way in hell I'm going to like you... I hate you and please, stay away from me because you're pissing me off." For the first time, nakita nya ang pagtulo ng luha sa pisngi nito. Napansin nya din na madami palang tao sa paligid. Naroon ang kanyang mga empleyado at maging ang secretary nya ay naroon din, at marahil ay narinig ng mga ito ang mga pinagsasabi nya sa dalaga. Kahit galit sya sa babaing ito ay nakokonsensya naman syang malaman na napahiya ito sa harap ng mga empleyado nya. Pero hindi naman nya pwedeng bawiin pa ang mga sinabi na nya. Without saying any word ay tinalikuran na nya ito. 'I hope this will make her stop from following me.' Nang makalayo na sya ay bahagya syang lumingon at nakita nyang naroon at nakatayo pa rin ito sa pwesto kung saan nya ito iniwan habang nakatulalang umiiyak. Nakita rin nyang nilapitan ito ni Zyrone at mahigpit na niyakap para patahanin.. Nang makita nyang inakay na ito ng pinsan nya pabalik sa table nila ay tumalikod na sya. end of flashback Isang tikhim ang nagpalingon sa kanya. " Mukhang lumilipad ata ang isip natin, ah." Si David na prenteng nakaupo sa couch dito sa loob ng opisina nya habang nakataas pa ang dalawang paa at nakapatong iyon sa center table na naroon. Nakapasok na pala ito ng hindi nya man lang namalayan. Bakit ba kasi hindi marurunong magsikatok muna ang mga lalaking ito bago magsipasok ng opisina nya? Lalo na ang lalaking ito na nasa harap nya ngayon. Tuloy tuloy na lang palagi na akala mo sila ang may-ari nitong opisina. " Ginagawa mo dito? " inis na tanong nya. " Wala ka bang trabaho sa opisina mo? " He heard him chuckled. " Katatapos lang ng meeting ko. Galing ako sa office nung dalawa, nasa conference room pa daw." Sabi na nga ba nya, eh. Wala iyong dalawa kaya sya ang pinuntahan nito ngayon para kulitin. Sa kanilang lima ito ang pinaka bata. Mas matanda sila dito ng dalawang taon kaya naman sanay na sila sa kakulitan nito madalas. Pareho din ang ugali nito at ni Zyrone. " Namimiss mo si Raine, noh? " tiningnan nya ito ng masama pero imbes na tumahimik lalo lang sya nitong inasar. " Kaw naman kasi pare, masyado kang pa-hard to get kaw na nga 'tong nililigawan ikaw pa 'tong nag-iinarte dyan." " Gago! " aniya " Ba't di mo kaya ligawan? Para naman tantanan na ko ng isang yon." " Tsk! Kung pwede lang ba, eh." anitong tatawa tawa na naman. " Kung hindi lang siguro ako takot masapak ng pinsan mo, malamang niligawan ko na yun. Aba! swerte ko pag nagkataon at talagang magpapaka tino na ko non." Napangiti sya sa isiping masasapak ito ni Liam. Overprotective kasi ito pagdating sa magkapatid na Lorraine at Gwen. " Malamang na masasapak ka nga ni Liam. " " Gago si Zyrone ang sinasabi ko. " " Ba't ka naman sasapakin ni Zyrone? " kunot noong tanong nya dito. " Sus, tinatanong pa ba yan? Hindi mo ba nahahalata sa lalaking 'yon na malakas ang tama nya kay Lorraine? " Natigilan sya sa narinig. " Ano, punta ka mamaya? Pasyalan mo naman ang bar ko. Pampawala din ng stress sa trabaho." anito pa pero syempre alam na alam na nya kung ano ang talagang sadya nito sa bar. Babae. Well, lahat naman sila ay may kanya kanyang babae kapag nagpupunta sila sa mga ganon. Wala lang. Pampalipas lang ng oras nila. Yon nga lang hindi naman sila ang dapat na sisihin dahil ang mga babae na mismo ang kusang lumalapit sa kanila at syempre, lalaki lang sila. Pero ang isang ito ang pinakamatindi sa kanilang lima, dahil dala dalawa ang kasa kasama nito madalas. " I have an appointment kaya malabong makasama ako." " Tss! May date lang kayo ni Trina, eh." nangunot ang noo nya sa sinabi nito. Paano naman nito nalaman iyon? Sila lang ng secretary nila ang nakakaalam non, ah. At kabilin bilinan nya dito na wag sasabihin kapag may nagtanong dahil paniguradong aawayin na naman sya ng mommy nya kapag nalamang nagkikita pa sila ni Trina. " Nakita ko ang schedule mo sa planner ni Bianca. " " Gago ka talaga! " binato nya ito ng nilamukos na papel. Pakialamero talaga! " Nakialam ka na naman. Wag kang magkakamali na banggitin yan kay Lorraine at lalo na kay mommy dahil paniguradong aawayin na naman ako non." Napapadalas na kasi ang pagtatalo nila ng mommy nya dahil hindi nito gusto si Trina para sa kanya at ipinaggigiitan nito na sila ni Lorraine ang mas bagay daw talaga. Syempre dahil si Trina ang mahal nya kaya ipinagtatanggol nya kaya sila nauuwi palagi sa pagtatalo. " Don't you worry dude! Your secret is safe with me. " anito pang tatawa tawa. " Ano sama ka na mamaya. Kung gusto mo isama mo na lang din si Trina. " " Oo na, sige na. Lumayas ka na't baka magdilim pa ang paningin ko sayo." " Whoah! Chill Bro. " nag-inat pa muna ito bago tumayo. " Kita kitz tayo maya, ah. Same place bro." At ang loko nagflying kiss pa sa kanya bago tuluyang lumabas ng pintuan. Napapailing na lng syang sinundan ito ng tingin. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD