CHAPTER ONE

1177 Words
" Zy, ano ba! Don't eat that! " mabilis kong inagaw kay Zyrone ang tupperware na may lamang kare-kare. Pinaghirapan kong iluto iyon kaninang maaga para dalhin sa office nila ni Alex mamaya. Wala naman kasi akong pasok sa school ngayon dahil tapos na ang finals at araw na lang ang binibilang graduation day na namin. " Damot naman neto." ani Zyrone na naka nguso. " Eh it's not for you naman kasi." " Eh it's not for you naman kasi.." gaya pa nito sa sinabi ko with matching irap na sobrang oa. " Puro si Alex na lang pinagluluto mo. What about me?" " Anong what about me ka jan?" ani naman ni Gwen na kabababa lang ng hagdan. Ready na ito sa pagpasok." Ano ka ba ni Ate, ha? " " Oy close kaya kami nitong ate mo." si Zyrone sabay akbay sa'kin. " Ew, Zyrone puro pawis ka! " ani ko sabay layo mula sa pagkaka akbay nito. Galing kasi ito sa pagj- jogging. Pero kahit pawis ito'y aminado naman akong mabango pa din. Sadyang maarte lang talaga ako. " Sige tawa pa. Maya nyan may kabag ka na." sabi ni Zyrone sa kapatid ko na panay tawa dahil sa reaksyon ko. " Feeling close ka naman kasi masyado, di ka naman gwapo." ganti naman ni Gwen dito. " Wow, ha. Ang ganda mo eh, no?" " Mag breakfast na nga lang kau don. Naka ready na din yung baon mo Gwen." sabi ko para matigil na sila sa pag-aasaran dahil sigurado mapipikon lang na naman ang kapatid ko. " Dito ka na naman makiki kain. Wala ba kayong pagkain sa house nyo?" taas- kilay na sita ni Gwen kay Zyrone." Tuwing morning na lang andito ka. " " Sorry ka. Wala si Mom sa bahay para ipagluto ako kaya dito ako makiki kain sa inyo." anito naman with matching smirk na pang-asar. Nasa business trip kasi ang parents nila Zyrone kasama sila Mommy at Papa Jaime. Dapat ay one week lang sila don pero dahil bihira lang naman mangyari na magkakasama ang magkakaibigan plus sila Ninang Mylene na sumunod din don sa kanila, ayun sinulit na nila ang pamamasyal. Yung one week ay na extend pa ulit ng isa pang linggo. "Duh! As if naman wala kayong mga tagapag luto. Eh andami dami nyo kayang helpers sa bahay." Inikutan lang ito ni Gwen ng mata bago nauna ng naglakad papunta sa dining. As usual pikon na naman ito. __________________________________ Kunot ang noong napalingon si Alex sa entrance ng building dahil naagaw ang atensyon nya sa ingay ng mga pumasok doon. Nakita nya ang pinsang si Zyrone na karay karay na naman ang huling babae na gugustuhin nyang makita- si Raine. Nagtatawanan pa ang mga ito na para bang walang mga iniintinding obligasyon. Akmang pipihit na sana sya patalikod para bumalik sa opisina nya pero huli na dahil nakita na sya ng mga ito. Kung bakit kasi naisipan nya pang magtagal dito sa lobby. " Alex!" " Bro!" Magkasabay pang tawag sa kanya ng dalawa. Mariin syang napapikit dahil pakiramdam nya'y sasakit na namn ang ulo nya sa mga ito. "You're late Zyrone!" bungad na sita nya sa pinsan na napakamot lang sa dulo ng kilay nito. " Hi Alex! Sorry if na late si Zy. Hinatid pa kasi namin sa school si Gwen." ani Raine at ipinagtanggol pa talaga ang pinsan ko. " What about you? Why are you here again?" baling naman nya dito. "Shouldn't you be at school now?" Napapadalas na ata ang punta nito dito sa opisina nila. Imbes na mailang sa kanya ay lumapad pa lalo ang pagkakangiti nito at halatang nagpapa cute pa. " Wala kasi kaming pasok ngayon dahil malapit na ang graduation namin." anito. " Let me just remind you, hindi pasyalan ang lugar na ito." iminwestra pa nya ang mga kamay para makita nitong busy ang mga taong naririto. " Don't you worry, hindi naman ako magtatagal." ngiting ngiti pa rin ito. Hindi talaga tinatablan ng pang-i intimidate nya. " Here oh. I cooked you your favorite kare kare." itinaas nito ang hawak na paper bag para iabot sa kanya. " I know kasi na favorite mo yan at di ka maipagluluto pa ni Ninang kasi next week pa ang balik nila, so ako na ang nagluto for you. Sana magustuhan mo." Tss. Ang kulit na ang daldal pa! " You don' have to do that." aniya sa malamig na tinig at tiningnan lang ang hawak nito. Ayaw man nyang maging rude pero pagdating kay Raine naiinis talaga sya. Boses pa lang nito ay parang naririndi na sya. Wala naman syang natatandaang naging maganda ang pakikitungo nya dito mula ng una nilang pagkikita pero bakit gusto pa rin nitong dumikit sa kanya? " Zyrone, follow me to the office." aniyang di man lang nag-abalang abutin ang iniaabot nito sa kanyang paper bag sabay talikod at nauna ng naglakad patungo sa elevator. "Akin na nga lang kasi yan!" narinig pa nyang sabi ni Zyrone at bago magsara ang elevator, nakita nya ring kinuha nito ang paper bag sa kamay ni Raine na nakatulalang naka tingin pa rin sa kanya saka ito marahang hinila palabas ng building. ________________________________________ Galit na pumasok si Zyrone sa opisina ng pinsan at ni hindi man lang nga nito nakuha pang kumatok. Habang si Alex naman ay prenteng naka upo lang sa kanyang swivel chair at nakamasid dito. "Bakit ba lagi ka na lang ganyan kay Raine?!" paninita nito agad sa kanya. " You're so rude, don't you know that?" Imbes na sumagot, tiim bagang lang nya itong tinitigan. Obviously, na kay Raine ang simpatya nito at sya na naman ang masama sa paningin nito like as always. Pag dating sa babaing iyon talaga ansama ng tingin sa kanya ng pamilya nya. " Alam mo ba kung gaano kaaga yon gumising para ipagluto ka lang tapos ni hindi mo man lang na appreciate yung effort nya?!" anito pa. " Sana kung ayaw mo talaga at least kinausap mo man lang ng maayos hindi yung ganong basta mo na lang tinalikuran. " Ano bang sinasabi nito? E di lalo lang umasa sakin ang babaing yon kung magpapaka plastik ako. "Are you now done with your rants?" bale walang tanong nya kay Zyrone na lalo lang ikinasama ng mukha nito. Aminado naman syang pagdating kay Raine ay nagiging masama ang ugali nya. He just can't help it. Hindi sya kagaya ng mga pinsan nyang sina Zyrone at Liam na sanay na palaging may umaaligid na mga babae. Mabulaklak kasi ang mga dila kumbaga. While him, people know him as rude and a manipulative young business man. At hindi nya ugali ang magpaka plastic sa harap ng mga taong ayaw nya. Kaya nga ilag sa kanya ang mga tao. At bakit ba sya ang sinisisi ng mga ito? Samantalang noong una pa lang ay tinapat na nya si Raine tungkol sa paglapit lapit nito sa kanya. Sadyang matigas lang talaga ang ulo ng babaing yon at panay pa rin ang pag sunod sunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD