SIKRETONG MISYON JAMILLAH POV. NANG mapasakamay ko ang cellphone ni Addison, agad akong tumalikod at tuluy-tuloy na naglakad palayo. Ngunit malakas niya akong tinawag, dahilan para bahagya akong huminto. Ngunit hindi ako lumingon at nanatiling nakatalikod pa rin sa kanya. “Masarap pala si Mr. Ruins!” sigaw niya na may kasama pang halakhak. Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad. “Buong gabi kaming nagpasarap sa isa’t isa, kaya sigurado akong hindi niya ako makakalimutan!” dagdag pa niya, bago muling humalakhak. Umiigting ang panga ko sa pagpipigil na sumagot. “Let’s go. ‘Wag mong pag-aksayahan ng oras ang pinagsasabi niya. Ginagalit ka lang ng babaeng ‘yon,” sabi ni Ms. Princess Raccia, habang marahang inaalalayan ako palabas ng pinto. Pagdating sa pasilyo, na pahinto kami nan

