JAMILLAH POV. KAHIT gusto kong tanungin si Ninong Ruins kung sino ang lalaking kausap niya—lalo na’t may kasama pa itong babae—pinili kong manahimik. Kita sa mukha ni Ninong na seryoso ang pinag-uusapan nila, at ayokong makialam. Nilingon ko ang babae. Para siyang may sariling mundo habang nakaupo sa gilid ng Water Lily Floating Table. Panay ang lingon niya sa paligid, tila may hinahanap… o inaabangan. Ilang sandali pa, dalawang staff ang lumapit, dala ang tray na puno ng iba’t ibang pagkain. Agad nilang nakuha ang atensyon ko. Tumango ako bilang pasasalamat habang isa-isa nilang ibinababa sa mesa ang mga putahe—mga gulay at sari-saring klase ng seafood. Doon ko na lang ibinuhos ang aking atensyon, pilit iniiwas ang isip sa kung ano mang gumugulo sa akin. Gayunman, hindi ko maiwasang

