PAGSUBOK SA PAGMAMAHALAN JAMILLAH POV. MASAKIT sa akin ang mga nangyari sa pagitan namin ni Ninong Ruins, ngunit kailangan kong manatiling matatag. Nangyari na ang lahat, at wala na akong magagawa upang ibalik pa ang nakaraan. Ang tanging maaari ko na lamang gawin ay harapin ito nang may tapang at pilitin tanggapin sa dibdib. Marahil, bahagi ito ng mga pagsubok na kailangang pagdaanan ng aming relasyon. Kailangan kong maging matapang—lalo na ngayon, ilang araw na lang at isisilang ko na ang aming panganay. Hindi ko bibitawan ang kamay niya, anuman ang mangyari. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya, kahit gaano pa ito kasakit. Sa mga nakalipas na araw, napapansin kong tila may mabigat na iniisip si Ninong Ruins. Tahimik siya, laging malayo ang tingin. Gabi-gabi rin siyang lumalabas

