ANG DATING ASAWA JAMILLAH POV. NARITO kami ni Ninong Ruins sa mansion ng mga San Diego, ka-tropa din daw nila at ayaw daw ng may kaarawan sa labas mag daos kaya’t dito na ginanap ang selebrasyon. Kaarawan ni Mrs. Chloe, at hindi ko inaasahang bata pa pala talaga siya. Halata sa bawat kilos at pananalita ni Mr. Raiden kung gaano niya kamahal ang asawa. Para bang ito lang ang tao sa paligid; sa asawa lang umiikot ang buong atensyon at paningin niya. “Baby ko, sino ang tinitingnan mo?” biglang bulong ni Ninong Ruins, lumitaw siya sa gilid ko at sinilip kung saan ako nakatingin.. “’Yung celebrant. Ang bata pa pala niya. At halatang in love na in love sa kanya si Mr. Raoden San Diego,” tugon ko habang hindi inaalis ang tingin sa mag-asawa. “Oo. Si Tol Raiden, isa rin ’yan sa mga may bat

