"sigurado ka bang lalabas ka na ng ospital beshy? kaya mo na ba talaga? " nag aalalang tanong ni Megan sa bestfriend nito habang tinutulongan itong iligpit ang mga gamit sa VIP room ni Sofia.
"ang kulit, pang ilang tanong mo na ba yan Megs? " inis na sabi ni Sofia naririndi na siya minsan sa kadaldalan ng kaibigan niya.
"naninigurado lang po, pang ilang ulit mo na po kayang nahimatay.. alagaan mo naman sana ang katawan mo, lalo na ngayon na wala na ang papa mo. " napalingon ito kay Sofia ng marinig nito ang hikbi ng kaibigan.
naalala na naman ni Sofia ang papa niya, oo nga pala nag iisa na siya ngayon sa buhay, wala na ang papa niya..
"I'm sorry beshy. " umusog si Megan at niyakap ang umiiyak na kaibigan.
"are you done girls? " pinunasan ni Sofia ang luha nito gamit ang laylayan ng suot nitong hospital gown ng mapansin ang pag pasok ni sir Matthew niya.
"di pa po sir, tulongan ko po munang mag palit ng damit si Sophie. " hinila ni Megan si Sofia papasok ng cr habang dala dala ang maraming paper bag na dala kanina ni sir Matthew niya.
"oh my gosh.. dami naman nito beshy, alin dito ang isusuot mo?" kinalkal pa nito ang paperbags at napatutop sa bibig ng makitang may mga under wear pa. "luh? iba talaga ang mayayaman beshy, tignan mo nga magkaka pares lahat oh, pano niya nalaman ang cup mo? " kinikilig na tili ni Megan habang kumikislap ang mga matang naka tingin sa mga paper bag.
pinamulahan naman siya ng mukha, oo nga naman pano nalaman ng sir Matthew niya ang sukat ng bra niya?
she shake her head.
nag madali na siyang mag suot ng damit, pinili niyang suotin ang ternong square pants at may blouse na din.
sinuklay ni Megan ang mahaba niyang buhok at nilagyan ng lipstick ang kanyang labi.
"you need that beshy, ang putla mong tignan, halatang kagagaling mo lang sa sakit. naging mukhang tao ka na din. " tumawa silang dalawa at nag madali ng lumabas ng banyo.
naputol ang mga ngiti niya ng makitang may kausap na nurse ang sir Matthew niya, halatang nag papacute pa dito ang babae. tuwang tuwa naman ang sir Matthew niya, tumikhim si Megan.
"higad." mahinang bulong ni Megan na ikina iling lamang niya.
"did you say something? " sabi naman ng malanding nurse na ang sama ng tingin sa kanilang dalawa lalo na sa kanya.
umiling lang si Megan bilang sagot sa tinanong ng babae.
pinag masdan nito head to toe si Sofia at halata sa mukha nito ang inggit.
"napaka ganda naman ng nakakabatang kapatid mo Matt. " malanding wika nito na halatang labas sa ilong ang sinabing maganda.
"I agree on that. Sofia is such a beautiful kid. " kikiligin sana siya kung walang kid sa sinabi nito.. bata lang talaga ang tingin sa kanya ng sir Matthew niya.
nginitian niya lang ng peke ang nurse.
"so let's go? " lumapit ang sir Matthew niya sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"paano yan beshy ilalabas mo ba yang slipper ng ospital? " nakangiwing sabi ni Megan na nakatingin sa paa niya.
"I forgot to buy you a shoes." naiiling na sabi ni sir Matthew.
"okay lang naman po atang ilabas to? ibalik nalang namin? " alanganing tanong niya sa nurse alangan namang mag paa lang siya.
"pwede naman po pero hindi bagay sa outfit mo, wait me here may sandal ako don na medyo malaki sakin, baka sayo kasya. " hindi pa sila naka sagot pero umalis na ang babae.
pag balik nito ay may dala na itong box. lumuhod pa nga ito at isinuot ito sa paa niya.. naiirita siya sa babae pero mukha naman itong mabait..
"sayo nga talaga kasya, my gosh bagay na bagay sa paa mo girl. " nakangiting sabi nito.
"salamat Clarisse how much is it? " wow first name basis na ang dalawa.. sabi ng utak ni Sofia.
"ano ka ba naman Matt, bigay ko na yan sa kapatid mo total naman napaka cute niya. " malanding wika ng babae na may pag hampas pa sa dibdib ng sir niya..
at kailan pa sila naging mag kapatid ng sir Matthew niya? akala ba ng nurse mag kapatid sila? pero di man lang tinatama ng malanding amo ng kanyang ama.
"no Clarisse I insist, how much is it? " sabi ni sir Matt niya habang itinaas nito ang braso niya at pinatong sa balikat niya. . halos manigas siya sa kinatatayuan niya sa ginawang iyon ng sir Matthew niya.
"wag na talaga Matt, pwedi bang number mo nalang ang pambayad mo? " malanding wika nito.
nag tinginan pa ang mag kaibigan at sabay pa silang nag buga ng hangin.
"sure beautiful. " inabot nito ang ang phone nito at nilagay ang number niya sabay kindat pa nga ng sir Matthew niya.
kilig na kilig naman ang babae.
"una na kami, call me okay? " baling ng sir niya sa babaeng sa sobrang pagka kilig ay parang uod na inasinan.
ganon parin ang posisyon nilang dalawa ng sir niya, nakayakap pa din sa kanya ang braso nitong isa habang ang isa nitong kamay ay dala ang bag niya.
tahimik sila habang nasa biyahe sila pauwi ng bahay niya.. naging malungkot na naman siya ng maalala niya ang papa niya, uuwi siya ng bahay niya na walang papa, mag isa nalang talaga siya ngayon.
di niya napigilan na tumulo na naman ang mga luha niya, nag tataka siya kung bakit di parin nauubos ang luha niya, ilang araw na siyang umiiyak.
nakita niyang napatingin sa kanya ang sir niya sa rearview mirror ng sasakyan nito.
ngumiti ito sa kanya.. kaya kahit umiiyak siya ay nginitian niya din ito ng pilit.
malapit na silang dumating sa bahay nila pero biglang nag ring ang phone ni Megan.
"nay parating na po kami, hinatid po kami ni sir Matthew. "
"naku wag mo munang pauwiin dito si Sofia, nandito si Donya Catalina nag wawala, ewan ko kung anong gagawin niya kay Sofia pag nakita niya ito, parang halimaw sa galit ngayon ang ang babae. "
"sige po nay, ba bye po. " binulsa na ni Megan ang phone niya ng patayin nito ang tawag.
"paano na yan Beshy? nakakatakot pa naman ang Donya Catalina na yon, baka kung ano ang gawin sayo. "
napa buntong hininga nalang siya. "haharapin ko siya, wala naman akong ginawang masama sa kanila. " sabi niya pero hindi yon ang sinasabi ng puso niya, sa totoo lang natatakot siya, lalo na ngayon na mag isa nalang siya.
"sa bahay ka na muna mag stay Sofia baka nga mamaya may masamang gawin sayo ang mga yon, lalo na ngayon na naka kulong ang kapitan. " suhestiyon ng kanyang sir.
"naku wag na po sir, masyado na po akong nakaka abala sa inyo, ikaw na nga po ang gumastos ng lahat tas sayo pa ko makikituloy?" tanggi niya. totoo naman, ang amo ng papa niya lahat ng gumastos pati na sa libing ng papa niya at pati na ang pag papa ospital sa kanya, asan ang hiya niya kung papayag pa siya.
"kahit kailan di ka nakaka abala sakin Sofia, baka may mangyari sayo don kargo de konsensya ko pa, and one more thing Sofia, binilin ka sakin ng papa mo, he wants me to take care of you, I don't know if I can take care of you dahil maski ako na matanda na hindi alam ang gagawin ngayong wala na sina mom. but I promised to your father Sofia, ayaw ko siyang biguin, para ko na din siyang ama" halata sa kanyang sir ang ang lungkot sa mga mata nito.
"pero sir----
"tama si sir Matthew Sofia, sumama ka nalang muna sa kanya, mas lalo ka lang malulungkot pag mag isa ka lang sa bahay niyo, maalala mo lang ang papa mo." pag putol ni Megan sa kanya.
"pero kasi---
" no more buts Sofia. "final na sabi ng kanyang sir na naka tingin sa kanya ngayon, naihinto na pala nito ang sasakyan.
"dito na din po pala ako bababa, sige beshy mauna na ko. " niyakap ni Megan ang kaibigan.
"tawagan mo ko Megs ah? " malungkot niyang sabi.
"oo naman, mamimiss kita beshy, wag mong bigyan ng sakit ng ulo si sir pogi ah? " naiiyak na sabi ni Megan.
para silang mga baliw na umiiyak habang tumatawa, ganyan sila ka baliw na mag kaibigan.
"ako na muna bahala sa bahay niyo, hayaan mo lilinisan ko yon palagi. "
"sige na Megs, baka nakaka abala na tayo kay sir Matthew. " pinahid niya ang kanyang luha at kumalas sa yakapan nilang mag kaibigan.
naka alis na si Megan kaya tahimik nilang binabaybay ang daan pauwi sa bahay ng sir Matthew niya.