Dahil mabilis lang naman akong gumaling sa lagnat ay maaga akong nakababa at bumalik na ang sigla ko. Habang nagtitimpla ako ng kape ay biglang may ingay na pumasok. Paglingon ko naman sa hamba ng pintuan ay nakita ko ang tatlong babae, nakasuot ng shorts at fitted shirt si Monique habang si Talya ay nakasuot ng long dress tube na kulay purple habang si Xyriel ay nakasuot naman siya ng oversize shirt at pinarisan ng maong na short. Nahinto ang pagtatawanan nila ng makita ako rito sa hapagkainan,habang nakaupo at nagtitimpla ng kape. “H-hi?” hindi siguradong pagbati ko sa kanila. “Aba! May narinig ba kayong nagsasalita rito sa kusina?” tanong pa ni Talya at nagkunwaring hinahanap ang nagmamay-ari ng boses. Napapailing na lang ako sa kanyang sinabi, napatingin ako kay Xyriel na walang

