Chapter 5

1319 Words
Kahit nanginginig ang kamay ay pinilit ko ang sarili ko, hinanda ko na ang kutsilyo na gagamitin pero bago ko ito ihiwa sa bandang natamaan ay pina-init ko muna ito gamit ang lighter to prevent infection. Nagsuot na din ako ng gloves, “Endure the pain idiot. ” mahinang bulong ko bago dahan dahan na hiniwa ang kanyang balat, maliit lang na hiwa ang ginawa ko. Saksi ako sa kanyang sakit na reaksyon lalo na noong hiniwa ko ang kanyang balat, ngunit hindi ako pwedeng tumigil. I need to get the bullet inside him dahil kung hindi, mamatay siya. Gamit ang kaliwang kamay ay nagtangka akong hugutin ang bala mula sa kanya ngunit nahihirapan ako, “I need help,” ani ko sa mga kasamahan ko na nakatalikod. Wala man lang sa kanila na nagbolonter kanina upang tulungan ako. Nakita ko naman na siniko ng isang lalaki ang kasama niya, kaya sa inis ko ay napairap na lang ako. “Do you want him to be safe or not?” gigil na wika ko sa kanila. Mamamatay na yong tao tapos nagtutulakan pa sino ang tutulong. Sa huli ay ang isang lalaki ang lumapit sa akin, wala kasi silang Lazarus at Gabriel nakikipaglaban pa sa labas habang si Xyriel at ang dalawang lalaki naman ang naiwan rito sa akin. “Ano ang gagawin ko ma'am?” magalang na tanong nito sa akin, tinuro ko naman ang gloves upang suotin niya iyon. Mabuti na lang at naiintindihan niya naman ang ibig-sabihin ko. Pagsuot niya sa gloves ay tinuro ko naman ang alcohol upang mag alkohol siya, para walang bakterya ang makakapasok sa sugat ni Lucifer. “Hold this,” turo ko sa hinawakan ko ngayon. Ang kabilang hiwa sa sugat ni Lucifer, kaagad niya naman iyon sinunod. “I will get the bullet, kahit anong mangyari huwag mong bitawan kahit tumalsik pa ang dugo, naiintindihan mo ba ako?” Hindi siya umimik ngunit tumango naman ito, huminga ako ng malalim bago ipinasok ang dalawang daliri, hinanap ang bala. Kahit gustong-gusto kong hawakan ang noo ko upang malinis iyon dahil sa pawis ay hindi ko ginawa. Mabilis akong napatingin kay Lucifer ng umuungol ito sa sakit, naluluha na ako dahil sa pag-alala sa kanya. Umaagos ang dugo mula sa sugat kaya naman ay mariin kong tinignan ang lalaking kaharap ko ng tinangka nitong tanggalin ang kamay na nakahawak sa sugat. Ilang ulit ko pang tinangkang hanapin ang bala ng sa wakas ay nahawakan ko ito, “I got it— Stay still!” Sigaw ko ng muntik na nitong bitawan ang pina-hawakan ko sa kanya. Napayuko naman agad ito kaya napapailing na lang ako. Sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko, para namang anumang oras ay lalabas na ito sa akin. I get the bullet and bandage him, using the clean towel. Mabuti na lang at may tape sila rito kaya iyon na muna ang ginamit ko upang hindi mahulog ang towel. “Xy, call Lazarus, please? May medical kit kasi doon sa kwarto sa dressing room ni Lucifer.” ani ko, dahil hindi pwedeng bandage lang ang gagawin ko na walang gamot na nilagay sa sugat niya. Kaagad namang tumango sa akin si Xyriel at inilabas ang phone, binalik ko ang mata kay Lucifer at gusto ko na lang umiyak ng makitang nakadilat ang kanyang mata habang nakatingin sa akin, kaagad kong napansin ang sakit sa kanyang mata, sino ba ang hindi masasaktan kung inoperahan ka habang walang anesthesia? Tumango ito upang bigyan ako ng pirmeso na ipagpatuloy ang ginagawa. Ang sunod na ginawa ko ay ang sa bandang dibdib niya, ito ang pinaka delikadong parte, isang pagkakamali ay mamamatay siya. “This is the hardest part, keep your ass up. If you pull your hand, he will die, do you understand?!” Mariin na sabi ko sa lalaki, kaagad naman itong tumango sa akin. “Alam kong nag-alala ka sa amo mo, kaya kailangan mong ayusin ang parte mo.” Sinimulan ko na ang gagawin at katulad kanina ay dahan dahan king hiniwa ang balat niya gamit ang maliit na kutsilyo. Same procedure, nang pinasok ko ang dalawang daliri ko ay napaigtad ako ng tumalsik ang dugo sa mukha ko. I secretly calm myself down, dapat hindi magpanic dahil panigurado na mawawala ako sa mundo. “Get your head down!” Biglaang sigaw ni Xyriel, kung hindi ako hinila payuko ng lalaking aalalay ko ay sapol sana ako sa bala mula sa sniper. “We need to get out of here!” Dagdag na sigaw ni Xyriel at kinasa ang baril na hawak. Mabilis akong umiling, “No, Lucifer will going to die if we get out right now, Xyriel! Can you still hold the enemy? I just need to pull out the fuc—kíng bullet and be done!” Sigaw ko. Tinitigan ko si Xyriel, hindi pwedeng lumabas kami dito na hindi pa tapos ang ginagawa ko, mauubusan ng dugo si Lucifer at ang malala ay baka mamamatay ito habang tumatakas kami. Mabuti na lang at pumayag naman ito, binalik ko naman ang tingin ko sa sugat na patuloy pa din na umaagos ang dugo, “Hold it tight, don't you dare let it go!” Taranta na paalala ko sa lalaki na hindi din yata alam kung ano ang gagawin. Pinasok ko ulit ang dalawang daliri ko at hinanap ang eksaktong lokasyon ng bala, nang hugutin ko sana ulit ang daliri ng may nararamdaman akong matigas na bagay sa mas ilalim. Napalunok ako dahil mas magiging peligro ang buhay niya, lalo na mas malalim ang lokasyon ng bala niya sa dibdib kumpara sa bandang tiyan. “M-miss mauubusan na yata ng dugo si boss.” wika nito habang nakatingin sa akin. Ayokong ipakita sa kanya na natatakot ako kaya Hindi ko siya tinignan at hinanda ang sarili upang bunutin ang bala na nasa ilalim pa din. Walang pag-dalawang isip na pinasok ko ulit ang daliri ko at kinapa ang bala, nang masagi ko ito ay hindi na ako nagalangan pa at agad na binunot. “Fu—ck!” Sigaw ko ng tumalsik ang dugo niya sa mukha ko. Mabilis kong dinikit ang towel na malinis upang maagapan ang dugong dumadaloy, “Tape,” utos ko sa lalaki. Wala kaming panahi ng sugat kaya kailangan naming makuha ang medical kit sa dressing room. Nang matapos ang ginawa ko ay kaagad akong lumapit kay Xyriel na tahimik na nagmamasid sa buong paligid. “We need the medical kit, I need to stitch him.” ani ko at lumingon pa sa banda ni Lucifer na walang malay. “We don't have much time, we need to go now. Aragon is coming.” Mariin nasambit ni Xyriel. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin, kaya Naman ay tumango ako. Pwede kaming aalis pero kailangan naming bumili ng medical kit. Huminga ako ng malalim at agad na bumalik sa lamesa kung saan si Lucifer, medyo humupa na ang dugo kaya lumingon ulit ako kay Xyriel. “Pwede na tayong umalis, pero kailangan nating bumili sa labas ng medical kit. Kailangan kong tahiin ang sugat niya.” Agad na tumango sa akin si Xyriel kaya naman ay inalalayan namin si Lucifer na makatayo, ngunit nahulog lang ito sa sahig dahil wala itong malay. Naiiyak akong tumingin kay Xyriel, “Paano tayo makakalis?” tanong ko rito. “Jonathan, kaya mo bang pasanin siya?” tanong ni Xyriel sa lalaking kasama ko kanina habang nagtanggal ng bala. Agad naman itong tumango at hinawakan si Lucifer, pinasan niya ito sa balikat niya. Medyo malaki ang katawan ni Lucifer kaya panigurado na mabigat ito. “Austria, follow him. Here you need this, I will cover you just follow Jonathan he knows where's the yacht.” Sabi ni Xyriel. Ilang kalaban ang nadaanan namin hanggang sa natanaw ko ang yacht sa Hindi kalayuan. Panigurado na makakaalis kami rito ng ligtas at mailigtas din namin si Lucifer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD