Umalis kami sa open field, dinala niya ako sa isang shooting range, napanganga pa ako dahil hindi makapaniwala na may ganon pala sila dito sa isla, kunsabagay din ay malaki ang mansion ni Lucifer na mukha nga itong lost palace dahil nasa tuktok ng isla. Nalalanghap ko ang amoy ng pulbura at ang simoy ng hangin na metal. Sa foreground naman ay tanaw ko ang shooting stall na may counter at may letrang shooting sports. May nakita din akong baril na nakapatong na may scope, isang magazine na puno ng bala, at mga bala na nakakalat sa ibabaw ng counter. Sa ilalim naman ay may mga target sheet na nakatambak. “If you want to know how to use a gun, I can teach you the basics only. Lucifer will get mad at me.” Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. After one million years—charot! Mab

