HANNAH'S POV: NAG-IINIT ang mukha ko at patuloy akong tinutukso nila mommy at ate hanggang dito sa kotse. Hindi ko kasi maitago ang guilt ko at marunong humuli ang ate. “Mukhang under sa'yo si Russel ha? Biro mo, isang ungot mo lang doon e hindi ka na matiis.” Nangingiting tukso nito. “Hindi naman ako gan'to sa kanya dati e.” Nahihiyang sagot ko. “Normal lang ‘yan sa'yo at naglilihi ka sa kanya, Hannah. Pero alam mo, maswerte ka kay Russel. Kabisado ko na ang batang iyon at maipapasiguro ko sa inyo na mabuting tao si Russel at pamilya niya. Maloko lang silang magkakaibigan nila Lukey, Edward at Dawson pero mababait ang mga iyon. Mabuti nga at nahanap ka na ni Russel e. Ikaw pala iyong tinutukoy niya na babaeng hinihintay niya. Dalawang taon ka ring binabantayan no'n ha?” nakangiting sa

