Chapter 40

1729 Words

HANNAH'S POV: LUMIPAS ang tatlong araw na lamay ni tita. Hindi naman nagpakita si Delilah kaya napagpasyahan na naming ilibing ito bukas. Nakabantay pa rin naman sa paligid ang kapulisan at mga tauhan ni Russel. Kahit nga sina Kuya Lukey at Dawson ay dumadaan dito sa gabi para dumalo sa lamay at samahan kami. Iyon nga lang ay umuuwi din sila dahil may pamilya silang naghihintay sa kanilang tahanan. Si Kuya Edward naman ay ginagampanan nito ang tungkulin bilang alagad ng batas kaya kasa-kasama namin siya dito. Madalas ay nagpapasaringan pa sila ni Russel. Pero ito rin ang napipikon sa tuwing tutuksuin siya ni Russel at tinatawag-tawag siyang pamangkin. Hindi ko alam kung totoong pamangkin ito ni Russel o binibiro lang ang kaibigan. Pero pansin ko kasi na sa tuwing tinatawag siyang pamang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD