HANNAH'S POV: KABADO ako habang nandidito sa loob ng dating bahay namin. Dito kasi namin napagpasyahang gawin ang burol ni tita ng ilang araw. Para hindi mahirapan si Delilah na puntahan kami. Nasa tabi ko naman ang mommy at si Russel. Maging si Kuya Edward ay nasa paligid lang. Nagmamasid kasama ang mga tauhan nitong pulis din na pawang mga naka-civilian ang suot para hindi sila mahalatang mga pulis silang nagmamasid. Nagkalat din ang mga bodyguard ni Russel sa labas, maging dito sa loob ng bahay. Hindi rin naka-uniform ang mga ito ngayon at nagpapanggap na mga nakikiramay sa amin ni mommy. “Are you sleepy now, sweetheart?” bulong nito sa akin na mapansing panay na ang paghikab ko. Tumango ako na napangusong sumandal ditong nakaakbay sa akin at hinahalik halikan pa ako sa ulo. Latel

